Nilapitan ko ang isang natamaan na malapit sa akin. She's also a wizard like me kaya pumalibot ako sa kaniya at tiningnan kung buhay pa siya. Nang maramdaman ko ang mahinang pulso niya ay kumuha agad ako ng health potion.
"Hey, drink this up," bulong ko.
Itinapat ko ang potion sa bibig niya at dahan-dahan iyong ipinainom sa kaniya. Unti-unti nang nagiging normal ang paghinga niya at bumabalik na muli ang dati niyang kulay.
Iniwanan ko na siya doon at muling gumapang palapit sa mismong gate. Pansin ko rin na kokonti nalang ang mga kawal na nakabantay dahil napatay na ito ng iba.
We might have a chance to win. Well, of course we will win.
Mas binilisan ko pa ang paggapang ko at lumusot sa gate.
"Good, now open the gate." ani Kyla sa aking utak.
Agad ko naman siyang sinunod at hinanap kung saan binubuksan ang gate. Nang makita kong walang nakabantay doon ay agad na akong nag-transform.
Inikot ko ang pulley na magbubukas ng gate. It wasn't that easy dahil matigas ito at mabigat.
Nakikita ko na rin ang ibang levitating monsters sa bubong ng palasyo. Somehow, the plan is working. Inihanda ko na ang bow and arrow ko para pang depensa sa akin o kaya sa kanila habang hinihintay na magbukas ang gate.
Nang may makita akong isang sorcerer papalapit sa akin ay agad ko itong pinana. Kumunot naman ang noo ko nang mapansing hindi pa rin ito natutumba. What the hell?
Inihanda kong muli ang isa pang pana at pinatamaan naman ito sa ulo. Then again, hindi pa rin siya natitinag kaya pinatamaan ko pa uli ito ng isa.
"What the!?"
Kahit anong gawin ko ay hindi siya tumitigil. What's stranger is it doesn't even flinched.
Tiningnan ko naman ang gate na kanina ko pang hinihintay na mag-bukas. Gaano ba talaga ito kabagal bumukas? Lagpas paa ko palang ang taas nito kaya nilingon ko na ang pulley at inikot ng mas mabilis.
I glanced to the sorcerer who seemed to stop halfway towards me. Ano na naman kaya ito?
Maya-maya lamang ay bigla na itong nag-collapse sa field. Napahinga ako ng maluwag. "Buti naman."
Nang mapansin kong mas lalong bumibilis ang pag-taas ng gate ay mas lalo akong naganahan. May mga nakapasok ng mga anghel sa loob ng palasyo at ang iba namang demonyo ay kinakalaban pa rin ang ibang sorcerer.
Napansin ko si Siri na mabagal na naglalakad sa isang hallway ng palasyo at may hawak na dalawang espada. Nakakarinig na ako ng ingay kaya tiningnan ko na ang gate at nakita ko na ang ibang mga monsters.
"Pumasok na kayo sa loob!" rinig kong may sumigaw.
Kahit na hindi pa gaanong kataas ang gate ay may mga lumusot na dito. Isa-isang nag-tatransform at pumapasok o di kaya'y umaakyat sa palasyo.
Something is definitely wrong. Nasaan sila Jessie?
Dahil alam ko talagang may mali sa nangyayari ay hindi ako umalis sa pwesto ko. May mga lumalapit sa akin at sinasabihan ng mga puri for opening the gate at niyayaya akong sumama sa kanila but I'll refuse.
Something really is weird.
"You feel it too?" gulat akong napalingon kay Kyla. "I can't sense anything. Nothing at all except for them." sabay turo niya sa mga napatay na mga kawal.
"Then we should retreat? Wala tayong makukuha dito!"
"But something also tells me that there is something wrong with that one." tinuro naman niya ang sorcerer na puno ng mga pana.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...