Ilang minuto pa ang tinagal nila sa ganoong pwesto. Nakatigil. No one dared to move or no one permitted them to move. Pero kahit na ganoon, ang mga demonyo ay naghihiyawan at matamang nanunuod.
"Sana matapos na ang illusion." Napatingin ako kay Ziro na nagsalita.
"Ang boring naman para sa atin ang hindi makapanuod." Dugtong pa nito.
"Tama ka. Pero, technique din nila ang ginagawa nila. Para kokonti lang ang makakita ng kanilang kakayahan." Kent said.
Napatingin ako sa ibang grupo at nakitang may tumatakbo papunta sa amin. Napatingin ako sa tabi ko, nasa exit pala kami.
"Nasaan ba si Headmaster? Kailangan na natin siya!" Rinig kong tanong noong isa.
"Alam mo naman yun. Malakas ang instincts, paniguradong kanina niya pa alam na may panganib na darating." Nakalampas na sila sa amin at agad umalis.
Sigurado akong yun ang 1st group. Nagkatinginan kami ni Ziro. Panigurado ay narinig niya din ang mga sinabi nila.
"Anong ibig nilang sabihin?" Tanong ko kay Ziro.
Binigyan niya lang ako ng iling at hindi na napakali. Ganito ba talaga ang nangyayari tuwing may games? Laging may panganib?
May lumapit na lalake kay Jeff at may binulong dito. Tumango naman agad si Jeff at bumaling sa amin. Malalim ang kaniyang mga mata kaya hindi ko mabasa ang ekspresyon niya.
"Alis lang ako. May aasikasuhin lang." Pagpa-paalam niya.
"Don't get yourself in danger." Ngumisi si Azusa at tumango nalang kay Jeff.
Ganun din ang ginawa namin tsaka siya umalis. Narinig kong nagsigawan ang mga demonyo. Something is happening. Ang iba kasi ay nagtakbuhan na at kami naman ay walang kaalam-alam. Buti nalang at napansin ko na gumalaw ang kamay ng isa sa mga grupo na nasa gitna.
"Tapos na ang illusion." Rinig kong sabi ni Azusa.
Tapos na nga ang illusion pero bakit tumatakbo ang mga demonyo? The event answered my question, may itim na usok ang namuo sa gitna at may lumabas dito- isang dragon.
Kulay itim ito at ang mga mata nito ay kulay berde. Ang balat nito ay makintab, parang armor. Nakakatakot siyang tingnan. Para bang lahat ng makikita nito ay kakainin niya. At doon ko lang narealize, nakatingin na ang dragon sa akin. Ready to attack.
"Psoraya! Ano ka ba!? Tara na!" Hinila ako ni Ziro at hindi agad ako nagpadala.
"Psoraya!" Sigaw niya uli.
Tumango ako at tumayo na din. A loud crashing sound was made. Pagkatingin ko sa inuupuan ko kanina, sira-sira na ito at may natitira pang kulay ube na bolts.
"Umalis muna kayo ng Arena! Find a safe place! Dalian niyo!" Sigaw ni Azusa sa amin at agad naman kaming tumango.
Pagtingin namin sa main entrance, punong-puno ito ng tao. Delikado. Tiningnan ko pa ang dalawang exit, konti lang ang tao. Pag nag-stay pa kami dito ay malamang kami ang tatargetin noong dragon.
"Yung iba! Sumunod sa akin! Masyado tayong marami dito!" Sigaw ko sa karamihan at buti nalang ay narinig nila ako.
Tumakbo kami sa gilid. Iniiwasan ang dragon. God! So ito ang panganib na dadating? Biglang May kuryenteng namuo sa harap namin- ang dragon. Tumakbo agad kaming lahat hanggang maka-abot sa exit. Mabuti nalang at konti ang tao kaya agad kaming nakalabas.
"Saan tayo pupunta?" Tanong ko kay Ziro.
"Masyadong mapanganib kung dito lang tayo, mas mabuti pa ay pumunta tayo sa itaas." Suhestyon niya.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...