"Dude, semi-finals na at ngayon ka pa mawawala. Are you joking me!?" Inis na naitulak ni Azusa si Ziro.
"Azusa, tigilan mo na 'yan! Stop!" Sigaw ko naman.
"Ano bang pumasok sa kokote mo, Ziro!?" Hindi nakinig sa akin si Azusa at mas lalo pang itinulak si Ziro.
"Azusa, tama na!" Ani ni Jessie at hinila na si Azusa palayo kay Ziro.
Sht! Bakit ba ito nangyayari ngayon? Kakatanggap lang namin ng Yellow card kaninang umaga at si Ziro ang unang nakakita. Nagising lamang kami ng marinig namin ang malakas na sigawan nila Ziro at Azusa.
"Why do you have to go berserk all of a sudden!?" Sigaw ni Jeff kay Azusa.
Nilapitan ko agad si Ziro at nakitang nag-aadapt na naman siya. Siguro ay may sugat siyang nakuha kaya siguro gagamutin niya ito agad.
Nakita ko naman si Azusa na tumingin ng kay Ziro bago tumingin sa aming lahat. I swear I saw black crystals forming in his hands.
"Jeff, Kyla is here! She is here! Ziro told me that he wants to quit because Kyla told her something...something about us."
Tinuro niya si Ziro at agad naman akong napabalikwas ng humaba ang kaniyang mga crystals. Pero mas lalo ko itong ikinagulat ng lumipat ito sa akin.
"Baka gusto mo na ring umalis, Psoraya?" Tanong niya.
Jessie was there to stop him. Wala akong magagawa kung ganun ang pagtingin nila sa akin. I am guilty, yes. Iyon ay dahil matagal ko ng na-encounter si Kyla ay di ko manlang sa kanila nasabi iyon.
"Oo nga. Bakit ayaw mong sumama sa akin? Sa amin?"
Nakita kong naguguluhan na sila Kent, pati naman ako. Nagkatinginan kami ni Ziro na nakatayo na at nakangising nakatingin sa akin. There was something different from his eyes. Is this the effect?
"Ano ba talaga ang nangyayari!?" Ani ni Kent.
Hindi na ako naging kumportable sa pagtawa ni Ziro. I know that there is really something wrong about him. Alam kong epekto ito ni Kyla. Pero hindi ko alam na ganito iyon kalala!
"Hindi na kayo magtatagal! Kayong mga kanang kamay ay hindi na magtatagal."
Hinila na ako ni Jessie palayo kay Ziro. Now, the five of us are before him.
"A war will start." Tiningnan niya muna kaming lahat. "Each one of you will die-"
Hindi na pinatapos nila Jeff si Ziro at agad nilang pinaulanan ito ng atake. Mahigpit pa rin ang pagkakahawak sa akin ni Jessie at ramdam ko na rin ang pagiging mainit ng katawan niya.
Napakagat na lamang ako ng labi. I regret this. Simula noon alam ko nang mali ang sumali dito. Sa grupong ito.
Tiningnan ko si Jessie, kita ko sa mata niya na galit siya. Sht. "Bitawan mo ako." bulong ko.
Tumingin naman siya sa akin na nagtataka. Mas lalo niya pang hinigpitan ang pagkakahawak niya kaya napasigaw na ako. Dahil sa kapangyarihan niya, nauubos na ang lakas ko. I can't escape.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...