Narinig ko ang mga sigawan ng iba't-ibang tao at nakaramdam ako ng mga pagtama ng mga katawan sa isa't-isa.
Nakita kong muli ang mga nagsisilitawang sphere ni Jessie. Naaninag ko ang ibang silhouette ng mga grupo.
"Psoraya!" Rinig kong sigaw ng malalim na boses.
"Psoraya!" Sigaw uli nito.
The deep voice lingers into my spine. Kilala ko ito.
"Ziro!" Sigaw ko rin.
"Psoraya." Rinig kong muli at sinundan ko naman ito.
Salamat sa mga ilaw na binibigay ni Jessie, madali kong nahanap si Ziro. He's facing the other side so I poked him.
Unti-unti siyang humarap sa akin at nakita kong isang dummy lang pala ito. Pinaglalaruan lang nila kami. Aalis na sana ako ngunit gumalaw ang loob ng dummy.
"Psoraya.." The dummy said.
"Stop copying him." Kinapa ko ang dagger ko at itinutok ito sa tiyan ng dummy.
I was about to strike the dummy when a human emerged.
Nakaramdam ako ng pagbuo ng force field at nawala na ang mga sphere ni Jessie. Nawala na rin ang presensya ng mga tao. Sht. Isang ilusyon lang pala.
Mukhang nagulat din ang taong lumabas pero agad ding humanda.
"What group are you from?" Tanong niya sa akin.
"14th." Maikli kong sagot. "You?"
"2nd."
Bigla akong kinabahan. 2nd. Nakita ko naman siyang ngumiti.
"Sure win na ako nito." Ngumiti uli siya at pinaglaruan ang isang dagger niya.
"Hahayaan muna kita for now, ako rin naman ang mananalo. Live your life to the fullest." Umalis siya sa harap ko at pumunta sa may gilid.
Hinigpitan ko naman ang pagkakahawak ko sa dagger ko. Ang yabang.
"Huwag ka ngang magpakampante." Ani ko na ikinatawa niya naman.
"Gusto mo na bang lumaban? I can give you time." Tumingala siya na sinundan ko naman.
There a countdown was posted. Non-stop. The seconds were decreasing as well as the minutes.
"Pwede pa kitang bigyan ng limang minuto. Kapag lumagpas, papatayin na kita." Tiningnan ko naman siya. As if she knows what is happening.
"Ano ba talaga ang nangyayari?" Madiin kong tanong sa kaniya.
"This is the wipeout. Lahat tayo, bibigyan ng dalawang oras. Actually, this is being aired now. Sa labas ng Arena wherein a lot of people can see." Bahagya niyang hinawakan ang dagger niya. "All you need to do is kill as much as you can, in 2 hours. Without the leaders."
Tiningnan niya muli ang orasan which made her laugh. Baliw na ba siya?
"The leaders will have a fight of their own at tayo rin. Just kill someone, and you'll get out of this freaking force field. Now," Tumingin na siya sa akin at nakita kong nag-iba ang mata niya. "Too much for your five minutes."
Agad niyang ibinato sa akin ang kaniyang dagger pero mabilis naman akong nakaiwas kaya isang hiwa lang sa pisngi ang natanggap ko. Agad naman akong tumakbo palayo sa kinatatayuan ko kanina at nagstretch upang mahagip ang mga kamay niya.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...