--
Nakita kong muli ang mga ilaw na ginawa ni Jessie. Nakikita kong muli ang mga paa ng iba. If only I can find the others.
Hindi katulad noong una, sigawan na ng mga nasasaktan ang naririnig ko. Nasa force field pa rin ata ang iba. Tiningnan ko naman ang orasan sa taas ng Arena at nakita kong kalahating oras pa lang ang nakakalipas.
More time, more killing.
Sinubukan kong lumapit sa isa sa mga paa at nakita ko ang isang force field. Hindi naman sila gumagalaw kaya sinubukan kong hawakan ito pero nakaramdam pa ako ng hilo at umiba na ang ginagalawan ko.
Nakapasok ako sa isang force field. Tiningnan ko ang dalawang naglalaban at laking gulat ko nang makita si Kent. Natigilan naman ang dalawang naglalaban lalo na si Kent.
"Psoraya?" Gulo niyang tanong at nakita ko namang gumalaw ang kalaban niya kaya itinapon ko ang dagger ko dito.
Agad naman itong nilamon ng maitim na usok ni Kent at agad siyang pumunta sa akin.
"Pano ka nakapunta rito?" Tanong niya sa akin.
"Pumasok lang ako sa isa sa mga force field. Hindi ko naman alam na pwede pala." Sagot ko.
"Well this is better now. Dapat ay magregroup tayo para mas madali lang makipagpatayan. I'm sure some groups do this too." Sabi niya at tumakbo.
Humabol naman ako sa kaniya at bumalik na naman kami sa scene noong una. Ang mga sphere ni Jessie.
"Kent. Ayun ang mga paa." Tiningnan ko siya ng makitang hindi siya gumagalaw.
Nakita ko siyang nakatulala lamang sa isang gilid at parang may inaalala. Nilapitan ko naman siya at kinulbit.
"Anong ginagawa mo diyan?" Tanong ko. "Ayun na ang mga paa." Turo ko.
"Pano mo nakikita ang mga paa?" Aniya.
"Kent, they're everywhere. Hindi mo ba nakikita?" Turo ko uli.
"Eh si Jessie, hindi mo ba nakikita?" Lumingon muli siya sa tinitingnan niya kanina. "She's right here." Ginesture niya ang kamay niya as if he's touching her. "I wish she's alright."
"Kent, wala siya diyan. Tara na." Hinila ko naman siya at sinundan ang iba pang mga paa.
"Dito tayo. I'm not sure kung sino sila pero, naglalaban sila." Tiningnan ko ang dalawang tao na magkaharapan.
"Pasukin na natin." Sabi niya at sinunod ko naman.
Nakaramdam uli ako ng paghilo bago ko makita ang mga naglalaban. Alam kong hindi ko sila kilala at hindi ko rin alam ang kapangyarihan nila.
"Kent, balik na tayo."
Hinila ko siya palabas pero parang may humaharang sa amin.
"We can't. We must kill them." Sabi niya. "Duck."
Binato niya ang dagger niya na napapalibutan ng kulay itim na usok sa isa pero nakailag ito kaya bumalik muli ang dagger niya sa kaniya.
"Diyan ka lang. Ito ang dagger mo." Bigay niya sa akin at tsaka umalis.
I feel useless. Wala akong laban kung ako ay pumasok dito. Baka patay na ako kung hindi si Kent ang nakita ko noong una. As much as I know, pwede ka pang makalabas sa isang force field pero mali pa pala ang alam ko.
Nakapatay agad si Kent ng isa pero nahirapan siya doon sa pangalawa. Ayaw ko sanang makihalubilo pero sugatan na si Kent at kokonti nalang ang lakas. Limitado pa ang kapangyarihan niya kaya mas lalo pa siyang nahirapan.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...