Tumira kami ni Ziro kila Kyla. Inalagaan nila kami dito, pamilya ang turing niya sa amin. Napapansin ko rin na padami na ng padami ang mga kasama namin.
Naririnig ko pang minsan na nilang pinag-usapan ang grupo namin sa Dark Games.
"Nawala na nga lang bigla yung dalawa nilang kasama. Sayang at malakas pa ata iyong isa." rinig ko.
"Pero kahit naman nawala na yung dalawa nilang kagrupo, malakas pa rin sila." ani noong isa.
Malakas pa rin sila. Nakagat ko ang labi ko. Malakas talaga sila kaya kailangan ko pa lalong lumakas.
"Hindi niyo ba alam? May ninakaw daw yung dalawa kaya sila nawala!" Dagdag pa noong dumaan.
Pag malakas ako ay matatalo ko sila, I can get revenge. Kaya nga ako nandito upang maging malakas kasama sila Kyla.
Pumunta ako sa kwarto ko. Hinanda ko ang mga armas ko. Hindi lang dagger ang meron ako ngayon, I've mastered archery.
"Saan ka pupunta, Psoraya?" Nabitawan ko ang dagger ko dahil sa biglaang pagsulpot ni Ziro. "Pupunta ka sa kanila? Alam mo namang delikado!" sigaw niya.
"Manunuod lang ako Ziro, titingnan ko kung may nagbago ba sa kanila." Pinulot ko ang dagger ko at tinago sa may hita.
"Sasama ako, hintayin mo ko." Hindi na ako nakasagot dahil mabilis siyang umalis sa kwarto ko.
Isinabit ko na ang bow ko sa aking likuran at ang arrow naman sa balikat. Agad ko namang kinuha ang cloak at maskara ko. Hindi katulad dati, half-full na ang maskara ko. Sabi ni Blaist ay maganda raw ito upang hindi agad kami makilala kapag lumabas kami sa kweba.
Pagkalabas ko sa kwarto ko ay nakita kong nag-uusap si Ziro at Kyla. Nagpa-paalam ata. Lumapit naman ako at nakinig sa usapan nila.
"Ziro, huwag na 'wag kayong magpapahuli sa kanila." madiin na pagkakasabi ni Kyla.
"Makakaasa kayo sa amin." sagot naman niya.
"Isa pa, habang nandoon kayo ay iwasan niyong magpakita sa iba pang kalahok." Hinawakan ni Kyla si Ziro sa balikat at may binulong sa kaniya.
Pinilig ko nalang ang ulo ko at hinayaan na sila. Nang makalayo na sila sa isa't-isa ay tinawag ko na si Ziro. "Tara na at malayo pa ang lalakbayin natin."
Tumango naman si Ziro at sumunod na sa akin. "Psoraya!" sigaw ni Kyla at alam ko na ang ibig sabihin noon.
Binuksan ng mga tauhan ang labasan kaya agad na kaming nag-transform. Malawak ang gubat na nakapaligid sa kweba at bago pa makarating sa mismong sentro ng underworld ay meron pang ilog na tatahakin.
Nang sumapit ang tanghali ay saktong narinig ko ang agos ng tubig. Nag-transform na ako at ganoon rin naman ang ginawa ni Ziro. Tumigil muna kami sa ilalim ng puno at nagpahinga.
"Panigurado akong mahigpit ngayon ang underworld sa mga papasok sa Arena. Mukhang malapit na ang finals." ani Ziro.
"Makakalagpas pa rin naman tayo," tiningnan ko muna siya bago nagsalitang muli "huwag kang matakot, hindi naman tayo makikipaglaban." ngiti ko.
Tumango lamang siya at pumikit. Hinayaan ko muna siya at paniguradong pagod na pagod siya, sumandal na lamang ako at tiningnan ang paligid. It's so peaceful here. Pero dahil dumating sila Jessie galing mundong ibabaw ay magkakagulo.
They are the proof that we will have a war.
Tumayo na ako at ginising na si Ziro. Aalis na kami para maabutan pa namin sila. Hindi na kami nag-transform muli at lumusong na sa tubig. The water's current is too strong kaya nadadala ako.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...