CHAPTER 11

1K 47 6
                                    

"Times up!" Anang sound system.

Nawala na ang mga force field. Natigil na lahat ng paglalaban-laban. Kahit kami ni Kent na hindi pa tapos sa kinakalaban ay nagpahinga na. No more killing, for now.

Umilaw na muli ang buong Arena. Ipinakita sa itaas ang score board at sa gilid naman ang mga highlights ng game. Hindi ko alam na ganito pala kahigh-tech ang underworld. Hindi ko alam na nakaka-affrod sila ng ganito.

Napatigil ako sa pagmumuni-muni ng hawakan ako ni Kent sa braso ko. Napatingin naman agad ako sa kaniya.

"Let's find them." Matigas na sabi niya kaya tumango na rin ako.

Marami akong nakikitang dugong nagkalat o kaya naman ay mga katatayo palang na mga monster. Magulo na ang Arena ngayon. Sobrang gulo.

"Attack points after the game time isn't counted. Points are all counted." Inulit pa iyon ng dalawang beses ng sound system kaya naman hindi ko mapigilang tumingin sa scoreboard.

Hindi na ako nagulat ng makitang pinakauna ang 1st group. Pero napigilan ako ng makitang pangatlo kami! Tiningnan ko si Kent na nakatingin sa taas. Tumingin lang din siya sa akin at ipinakita ang walang emosyong mukha niya at lumakad ng muli.

Sa gitna ng paglalakad namin ay may nakabungo kami. His familiar hair with violet streaks told me that it was Azusa.

"Bro!" Ngumiti siya kay Kent at umapir.

"Si Jessie? Nakita mo?" Tanong naman ni Kent.

Tumingin muna sa akin si Azusa bago kay Kent at tumingin sa malayo.

"Akala ko, nakita niyo na rin siya. Hinahanap ko nga rin eh."

Nagtiim-bagang si Kent sa narinig niya mula kay Azusa. Syempre, nag-aalala siya sa kaniyang asawa.

"Sige, hintayin niyo nalang dito si Jeff at hahanapin ko siya. Dito lang kayo." Ani niya.

"Paano si Ziro?" Tanong ko sa kaniya.

Suminghap muna siya at tsaka sinabunutan ang sarili.

"I'll find him. Basta dito lang kayo." Tumango nalang kami at agad siyang umalis.

"Nakapatay ka." Agad niyang sabi sa akin at itinuro ang isang video na nagpi-play sa Arena.

Ako iyon habang kinakalaban ang isang miyembro ng pangalawang grupo. Marami ang nakatingin doon dahil syempre, sino nga naman ang mag-iisip na ang isang baguhan ay makakapatay ng isang malakas na wizard.

"Hindi ba't sabi mo ay kailangan nating manalo?" Tingin ko sa kaniya.

Tumingin din siya sa akin at ngumisi. Ito ang unang pagkakataong nakita ko siyang ngumisi sa harap ko.

"Mabuti naman at pinanindigan mo. I thought you will just depend on us." Nagkibit-balikat siya at tumingin na muli sa entrance ng Arena.

Unti-unti itong nagbukas at pumasok dito ang mga Master ng iba't ibang grupo. Of course, Headmaster Setrina along with Master Dox were the first one to enter. Agad nagtama ang mata naming dalawa ni Headmaster at agad siyang lumapit sa amin.

"Headmaster Setrina." Nag-bow kaming dalawa ni Azusa na agad niya namang itinigil.

"Your Master's wounded. Go get him." Itinuro niya ang labasan at agad naman kaming tumango. "Be careful. He's.....uhm, toxic."

Naguguluhan man ay tumungo kami sa labasan. May mga natatabunan na doon ng kulay pulang tela at kung hindi naman ay mga naghihingalo na.

"Psoraya! Nandito siya!" Sigaw ni Azusa at agad akong tumakbo papunta sa kaniya.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon