Nang matapos ko na ang pag-patay sa mga bangkay na sumasalubong sa akin ay agad na akong pumunta kay Kyla.
"Where have you been? I can't reach you!" galit niyang bungad sa akin.
"Nag-tago lamang ako." maikli kong sagot.
Bigla kong naalala ang muling pagkikita namin sa underworld. The time when she stretched and twisted me. May kaunting galit ako na naramdaman pero nawala rin agad.
Napakurap ako, anong nangyari?
"What are you standing there for!? Help the others!" utos niya.
Naga-alangan pa akong tumango at sumunod sa kaniya. Napansin kong wala na iyong sinasabi niyang general ng army pero may mga bangkay pa rin na natitira.
Kinuha kong muli ang espada ko at muling nilabanan ang mga bangkay. I find it weird that I am trying to kill someone who is already dead. It doesn't make sense for me. I just shrugged that idea off. Kahit naman patay na ang kalaban ko ay talagang malalakas pa rin sila.
"Bakit hindi nalang kontrolin ni Kyla yung general? She can do it though." ani ng malapit sa akin.
Well, she has a point kaya napatango ako.
"Master Dox asked the same. Ang sabi niya, hindi niya daw makontrol yung general dahil parang may shield daw ito." sagot noong kasama niya.
Shield.
Pinatay ko ang bangkay na nilalabanan ko kanina pa at umalis muli. Shield. I'm sure Jessie is somewhere in the castle. Alam kong nandito lamang siya.
Bumaba ako at pumunta sa basement. Sa dungeon. I feel some other presence here kaya dito ako pumunta.
What Siri said really bothered me. Bakit nga naman pupunta ang isang royal sa underworld at kakampi pa sa mga monsters kung ang mga kadugo niya ay sorcerers? At bakit ba ako sumasama kay Kyla gayong sinaktan niya ako at si Old Man?
No. Tama lamang na sumama ako kay Kyla, maaaring naimpluwensyahan lamang ang Prinsesa nila Jessie.
Yeah. That must be it.
Pagkatapak ko pa lamang sa dungeon ay nanlamig agad ako. Mas bumaba na ang apoy sa mga torch dahil nasisinagan na ng araw ang ibang parte ng dungeon.
This is a proof. May iba pang tao sa palasyo. Talagang nagtatago lamang sila sa mga parteng ito.
"Jessie! Jeff! Alam kong nandidito lamang kayo." sigaw ko.
Matapang kong tinahak ang daan kung saan kami ikinulong dati ni Ziro. Tumigil ako nang may mapansing nakaka-iba.
"Why?" I asked. "Why are you hiding!?"
Sinipa ko ang metal na iniharang sa dulo ng hall. Kinuha ko ang espada ko at triny na sirain ngunit naputol lamang ang espada ko.
"Psoraya!"
"Ziro!?" nilingon ko kung saan nanggaling ang boses niya. "Ziro!?" tawag kong muli habang sinusundan ang boses niya.
"Psoraya!"
"Ziro!"
I'm sure that that's him. That really is him.
"Nasaan ka, Ziro!?" tanong ko.
"Psoraya!"
Nilingon kong muli ang kabilang direksyon at sinundan iyon. He keeps on calling me and I'll always follow his voice.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...