CHAPTER 4

1.6K 51 4
                                    

Hindi ako makatulog sa aming unit. 8th and 11th. Masyadong madami para sa unang araw. Ni wala pa kaming training ni Ziro. Kahit na kaya ng apat ang mga iyon, mahahalata pa rin nila na mahina ang grupo namin. Those four will be the only one to defeat those 12.

"Ano ba itong pinasok mo, Psoraya?" Tanong ko sa sarili ko.

I shifted sides. Nakikita ko ngayon ang iba pang miyembro ng grupo. They're sleeping calmly. Naaninag ko si Ziro na nasa kabilang dulo. Nakanganga pa ito habang natutulog. Aba nga naman, parang walang gulong mangyayari bukas.

Huminga ako ng malalim at ipinikit ko ang aking mata. Iniisip ang pwedeng mangyari bukas. Pano nalang kung matalo kami? Hindi lang reputasyon naming dalawa ni Ziro ang masasayang, pati na din ang buhay namin. Killing in the games isn't illegal but it isn't required either.

Ilang sandali lang ay nakatulog na din ako. Mabilis lang ang tulog ko dahil agad kaming ginising ng alarm sa unit. The alarm is annoying. Inis kaming nagising lahat. Pati din ata ang ibang grupo ay nagising din dahil nakakarinig ako ng mga yapak sa hall.

Naghanda na kami at sinuot ang mga cloak at maskara. Sabay-sabay kaming lumabas. Walang imikan. Nagtinginan lang kami at tumango sa isa't-isa. Paglabas namin ay kasabay pa namin ang isang team na lumabas. Tahimik naming tinahak ang daan papuntang Arena.

Katulad kahapon ay nakahilera ang mga grupo habang naghihintay.

"Kinakabahan ka na ba?" Tanong sa akin ni Ziro.

"Ikaw ba?" Balik na tanong ko sa kaniya.

"Sa totoo lang, natatakot ako. Magagalit si mama. Sisisihin niya ang sarili niya pag nalaman niya ang pinasok natin." Malungkot na sabi nito.

"Mapapatay naman ako ni Old Man. Mas mabuti pa 'to." I stated.

Nagismula ng mag-lakad ang mga grupo papasok ng Arena. Kinabahan ako lalo. Sa loob ng Arena na iyan ay ang huling hantungan ko. Maaari na akong mamatay pero 'wag naman sana. Huminga ako ng malalim at sinuot na ang cloak ng hood.

Naririnig na ang mga hiyawan ng iba't-ibang clans mula sa pwesto ko. Napakalakas nito. At nang makarating na ang bilang sa grupo namin ay parang mas lalo pa itong lumakas. Napatingin ako sa gilid ko and saw them gambling their money. May bet sila. Nakatingin sila sa grupo namin at parang sinasabi na sila ang unang mamamatay o mawawala.

Pumunta na kami sa gilid. Iba na ngayon ang host. Hindi na siya si Holleb. Galing na siyang underground pero konektado pa rin ang buhay niya sa itaas. He did some introductions bago simula ang Game Proper.

Hindi siya nagpaligoy-ligoy pa at sinimulan ng tawagin ang unang grupong maglalaban. The rules are:

1. Killing is legal.
2. No poisonous chemicals should be used. Especially for wizards.
3. No using of illegal drugs to strengthen ones power.
4. No forcefields.
5. No running through crowds.
6. Once eliminated, you are officially eliminated. Unless, the group will be on a wild card.
7. Last man standing.
8.No royal bloods are allowed to participate in the games

"May I call on 13th and 4th." The tone was plain. Nakakapanibago ito kaysa sa boses ni Holleb na energetic.

Walang urungan ang laban. Disqualified ang isang grupo kung ito ay ititigil under time. Well, there is no time. Walang time limit. Unless hindi na kaya ng isang grupo, or patay na silang lahat.

Kung natalo ka na ng isang grupo at may buhay pa ang isa sa miyembro niyo, tuloy ang laban. Kahit baldado kayong lahat, tuloy ang laban.

Nakita kong nasa gitna na ang 13th at 4th. No maskaras. No cloaks. They're just plain. Nothing to hide. Edi sila na.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon