"Yow!" Napatingin ako sa sumisigaw at tumatakbo na si Azusa. "Jeff's awake. Tara." Yaya niya.
Tumayo na ako kahit na naguguluhan kay Ziro. Hindi ko alam kung sino ang kakampihan ko. Kyla gave me enough pain to suffer. Pati kay Old Man. Hindi ko alam kung papaniwalaan ko pa ba siya.
Hindi ko na muling nilingon si Ziro at tumakbo na papunta kila Jeff. Nakita ko siyang nakaupo na at medyo nakangiti pero nakahawak pa rin sa tagiliran niya.
"Anong bang nangyari sa'yo Jeff ha?" Tanong ni Jessie na medyo tumatawa.
"Hindi ko naman kasi alam na hiwalay ang laban ng mga master sa members. Edi ayun, parang napagdiskitahan ako."
Umupo ako sa tabi ni Jessie na kaharap ni Jeff. Tumatawa sila na para bang walang nangyaring masama. Baka naman sanay na sila? Baka nga.
"Nauna si Dox. Galit sa akin. Kinwestyon pa kung wizard ba talaga ako." Nakita kong medyo nairita siya. "Syempre kailangang itago. Um-oo ako. Under naman yun kay Setrina."
"Speaking of Setrina, siya yung nagturo sa amin na nandito ka. Who knows, maybe the Headmaster really cares for you." Singit ni Azusa.
"'Yun nga eh. May gusto ata sa akin iyang Setrina na yan. Napakinig ko kasi na ayaw niya na daw kay Dox kasi mas malakas ako." Ngumisi siya at ipinakita pa ang braso niya.
Tumawa naman sila Kent at naramdaman ko na rin ang tawa ni Ziro. So, sumunod siya sa akin? Baka naman nga ay naguluhan lang siya kay Kyla at pinili na ang panig nila Jeff?
"Nagtago pa ako nun ha. Sabi kasi nila, pag namatay ang mga leader ng grupo, di na kasama sa laro kahit wildcard. Kaya ayun, nagtago ako. Pero badtrip eh, may bampira na nakasense sa akin. May potion pang dala. Kaya ayun, eto." Pagtatapos niya.
Tiningnan ko sila isa-isa. Hindi naman sila mukhang delikado dahil ang payapa tingnan ng grupo nila. Si Jeff na palatawa, si Jessie at Kent na masaya bilang mag-asawa. At si Azusa na medyo tensed.
Tumingin ako kay Ziro. Nakatulala lamang siya sa malayo. Hindi naman siguro gagawin nila Jessie iyon, diba? Isip ko.
"Tara na, Psoraya. Balik na muna tayo sa headquarters." Tumayo na si Jessie kaya sumunod na rin ako. "Hayaan mo muna ang mga lalaki doon. They still need to help Jeff." Tumango lamang ako sa kaniya bilang pagtugon.
Pinagmasdan ko siya galing sa likod. Ang kulot niyang buhok at ang armor na suot ay bagay sa kaniya. She looks very royale kahit na ang isa niyang paa ay artificial na lamang.
May kung ano ang pumukaw sa akin galing sa leeg niya. Iba't ibang kulay ng beads na mukhang kwintas.
"Jessie.." Tawag ko sa kaniya kaya naman ay bumaling siya sa akin. "Ano 'yan?" Turo ko sa leeg niya.
Para siyang nabigla kaya hinawakan niya ang kwintas. Ngayon ko lang narealize, siya ay isang Amethyst. Patago kong binilang ang mga beads niya. 15.
"Tara na, Psoraya." Hinila niya ako palapit sa kaniya at bigla na lamang kaming napadpad sa kwarto namin sa headquarters.
"Teleport?"
Tumingin siya sa akin at tinanggal ang cloak at maskara. Tinanggal niya rin ang armor na medyo mabigat sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
THE FOUR RINGS
FantasyThe four right hands are now facing a journey between life and death. Dahil una, pag nakita sila na nasa forbidden place ay maaari silang patayin, pangalawa, they are not meant to be there because chaos will rise at pangatlo. There's no turning back...