Chapter 17

887 32 1
                                    

"Anong nangyari sa'yo, Ziro!? Bakit duguan ka!? Ziro!" Agad akong naghanap ng healing potion sa katawan ko.

Nakapikit na si Ziro at nagbubulungan na ang mga tao. Sht! Kailangan na naming makaalis dito. Baka mahuli pa kami!

Nang wala akong nahanap na healing potion ay si Ziro ang hinanapan ko. Grabe ang pagtulo ng dugo niya mula sa tagiliran niya at sa may balikat niya. Medyo nanlalabo na rin ang paningin ko dahil namumuo na ang mga luha.

He coughed and blood spilled through his mouth. Hinawakan ko ang pisngi niya, "Ziro..." I cried.

"Na-nasa bulsa- ah!" he coughed again.

Kinapa ko naman agad lahat ng bulsa niya at nandoon nga ang potion. Agad ko itong binuksan para sa kaniya at nilagay agad sa bibig niya. He was still coughing when he drank the potion kaya yung iba ay nabubuhos.

"Inumin mo ang lahat ng kaya mo. Please Ziro. Please." I beg.

He tried so hard to stop his coughs at ininom lahat ng natitira pang potion. Nakita kong tumigil na ang pagtulo ng dugo at nagkakaroon na ng kulay ang mukha niya. Umubo pa siya ng umubo at dugo pa rin ang lumalabas.

Monsters started to talk about what happened. Sari-sari ang mga sinasabi nila.

"Sila iyon, diba? Sila iyong may ninakaw!" hysterical na sabi noong isang wolf.

"Ang lakas naman ng loob nilang pumunta dito!" ani pa noong isa.

"Wala silang ginawa kundi sirain ang clan namin! They're a disgrace!"

My fists suddenly clenched. Sila Jessie dapat ang nasa kalagayan namin, sila dapat ang sinasabihan ng ganito.

I was about to answer them what really is the truth pero pag-harap ko sa kanila ay bumungad sa akin si Headmaster Setrina or should I call Princess Siri.

Umangat ang gilid ng labi ko. This should be pretty interesting. Nagulat naman siya sa ginawa ko. Scared that I might tell the truth?

Mukhang na-gets ni Ziro ang gusto ko kaya dahan-dahan siyang umupo mula sa pagkakahiga niya. He's better now pero madami pa ring dugo ang nabawas sa kaniya.

Tumayo naman ako kaya lumayo ang mga tao. Tiningnan ko muna sila at nakita kong may lumapit nang mga kawal. Obviously, the Game temporarily stopped dahil sa nangyayari dito sa amin.

Tumigil ako sa pagmumuni-muni nang makaharap na ako kay Prinsesa Siri. Nag-bow ako. "Headmaster."

She was startled. I have better plans. I wouldn't let them know your real identity that easily.

"Psoraya..Ziro.." Bati niya naman pabalik. "What brings you here?"

Mas lumawak ang ngiti ko at mas lalo kong nakita ang mga mata niya. She's transforming. She is transforming.

"Wanted pala kami dito. Is there any proof that we stole something?" Nilaksan ko ang boses ko at tumayo ng mabuti.

I'll make them pay, Ziro. I'll surely make them pay.

"There is enough proof from your teammates." she answered.

"Sapat na ba talaga iyon?" I took a step forward. Malapit ng magbago ang kulay ng mga mata niya. "I have enough proof for the truth."

"Enough!" she shouted. "Ikulong niyo na ang mga iyan! We don't need them here! We'll kill them right away!" she ordered at sinundan naman agad siya ng mga kawal.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon