Chapter 23

838 27 1
                                    

Trost.

We are really already here.

"So walang nakabantay? Hindi nila alam na dadating tayo or are they plotting something?" rinig kong sabi ni Master Dox.

"Don't jump into conclusions, Dox. Ang mabuti pa ay humanda na ang lahat." ani Blaist.

Agad naman kaming umayos. Kasama na ako nila Master Dox sa hulihan.

Nag-simula nang mag-lakad ang iba't ibang monsters sa unahan at patungo ata sila kaharian. Kahit na nasunog iyon dati, mabilis itong naagapan at mabilis rin naayos.

Of course, Trost na iyon! The heart of the sorcerers. Kapag nasira iyon ay tuluyang mawawasak ang mga sorcerers.

Napa-'Oh' ako. So that's why! Kaya ang mga malalakas na wizard ay nasa Trost dahil pinoprotektahan nila ang pinaka-puso ng uri nila.

Napatagilid ang ulo ko nang makitang tumigil ang ibang monsters.

"Anong nangyari?" tanong ko.

Nilagay lamang ni Master Dox ang kaniyang index finger sa bibig at unti-unting nilalabas ang wand sa kaniyang cloak.

Bigla akong kinabahan. Is there someone attacking us?

Sinagot ng iba't ibang sigaw ang tanong ko. There really is someone attacking us at dahil nga mas malakas ang mga sorcerers kaysa sa amin, nahirapan silang patayin agad ito.

"Get ready!" ani Kyla.

Kung dito pa lamang sa gubat ay ganito na ang nangyayari paano pa kaya kung malapit na kami sa may palasyo? Aabot pa ba kami dun?

Agad kong tinanggal iyon sa aking isip. I shouldn't think of negative thoughts. Syempre kami ang mananalo dito. Dahil sa ginawa nilang pagpapahiya sa aming mga monsters sa Games, kailangang mapahiya rin sila.

I immediately stretched my whole as thin as I can get. This way, I will be hardly seen.

Gumapang ako sa mga puno at tiningnan ang mga nangyayari sa baba. May mga hinandang ilaw ang ibang wizards para makita nilang mabuti ang mga kalaban.

Up here, the view is amazing but I know that we are in grave danger.

Nagulat ako nang may nakitang pana malapit mismo sa tagiliran ko. Because of my reflexes, gumapang ako pataas at hinanap kung sino iyon.

Imbes na makita ko kung sino ang gumawa noon, iba ang nakita ko. I can clearly see an army of Trost walking its way here.

Sa sobrang dami nila ay wari ko wala na kaming laban. We are outnumbered I guess.

Unti-unti akong nagtransform pabalik sa dati kong anyo at hinanda ang pana. If I can kill some of them here, may pag-asa pa kami.

Ziro, I'll win this. I promise.

I aimed for what it seemed to be the general. Nagtago ako syempre sa mga dahon ng puno para hindi ako makita agad. Huminga ako ng malalim at dahan-dahang pinakawalan ang pana.

Nang makalapit na ito sa aking target ay bigla itong nasira and something lit up like ripples. May barrier.

Napalunok ako at nagtransform uli sa pinakamanipis kong anyo. Hinanap ko agad si Kyla o di kaya ay si Blaist. They need to know this or else we're doomed.

Agad akong nag-transform pagkatapak ko sa lupa. This will be much easier. Masyado na ring magulo at mas mahihirapan akong hanapin sila kapag manipis at maliit ko.

Hinawakan kong mabuti ang dagger ko at nilabanan ang mga sumusugod sa akin. Sa pagkaka-alam ko ay nasa may parteng gitna sila kaya doon ako pumunta.

THE FOUR RINGSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon