Isabella's POV
*what you got, what you gonna do with the dessert (beat drops)*
O_O Napabalikwas ako sa sofa na hinihigaan ko ng marinig ang malakas na tugtog mula sa kung saan ito nagmula ..
Eto na pala ang hudyat ng paggising. Tumingin ako sa orasan na malapit sa paningin ko, alas sais na pala ng umaga.
Tumayo na ko sa pagkakahiga ko at inayos ang pinaghigaan ko.
Nagtali narin ako ng buhok at kinuha ang toothbrush ko at towel para sa paghihilamos.Papunta na kong CR ng mahagip ng paningin ko ang nakahiga pang si Axel. Hindi alintana sa kanya ang lakas ng tugtog na nagmumula sa animo'y isang malaking speaker.
Lumapit ako sa kanya para tapikin sya upang magising sya, tinapik ko sya ng anim na beses bago gumalaw at magmulat ng mata.
Laking gulat ko naman ng bigla syang ngumiti at tila pinipigil nya na tumawa ng malakas.
Anong nangyayare dito? -_-
Tinignan ko sya ng puno ng pagtataka saka ko lumakad papuntang CR. Papasok na ko ng CR ng marinig ko ang pagtawa nya ng sobrang lakas.
Siguro'y epekto yun ng bigla kong paggising sa kanya.
Tuluyan na kong pumasok sa CR at ....
"JUSKO!!! ano to?!! O_O >_< !! Axellllllll !!!!!" Paghuhumiyaw ko sa loob ng CR.
Nakita ko lang naman ang sarili ko na may sulat ng pentel pen sa buong mukha! >_<
Walang ibang gagawa sakin nito kundi ang halimaw na kaya pala ang lakas ng tawa ngaun sa labas! Nakakainis!
"Pano to matatanggal? Tsk!" Tanong ko sa sarili ko habang kinukuskos ang mukha ko para matanggal ang nakasulat doon.
Kung pwede ko lang talaga saktan tong arrogante na to nako! Matagal ko ng binugbog yan! Matagal na kong nagtitimpi sa Aroganteng Walangya na yan! ArrghH! Yamot!
"HAHAHAHA! Hey! HAHAHA faster! I need to fix myself too HAHAHAHA" halos mawalan na sya ng hininga kakatawa. Lintek na to!
"Mas mabilis sana kong makakalabas dito kung di mo ko ginawan ng katarantaduhan! Kaya mag-antay ka!!" Hiyaw ko sa kanya.
Ang pula na ng mukha ko kaka-kuskos -__- parang pakiramdam ko dudugo na to anumang oras.
Makaraan ang mahigit isang oras, natanggal ko din ang mga sulat sa mukha ko. Ang kaso .. :( pulang pula naman at ang hapdi dahil sa sobrang kuskos ko dito. Tapos narin ako mag-ayos ng sarili ko, natagalan lang talaga ako gawa nitong mga sulat sa mukha ko.
Pagbukas ko ng pinto ng CR ay bumungad sakin ang pagmumukha ng halimaw na to na tuwang tuwa pa sa ginawa nya sakin.
"HAHAHAHA :D fvck! Are you blushing? You look so red XD HAHAHA!" tawang tawa nyang sabi.
"Ha-ha :3 ! Masaya ka na? Masaya ka na kasi napaglaruan mo nanaman ako? Pasalamat ka di kita mapatulan! Argh! Tabi nga!" Tinabig ko sya ng malakas, kahit dun man lang makabawi ako.
"HAHAHAHA :D your face is priceless HAHA! Fvck!" Hanggang sa pagpasok nya sa CR ay tuwang tuwa padin sya sa ginawa nyang kalokohan sakin.
Habang nagsusuklay ako ay ramdam na ramdam ko yung hapdi na hatid ng sobrang pagkuskos ko sa mukha ko kanina. Napapangiwi nga ako sa sakit -___- ..
Hay nako! Tiis lang Isabella :3 tiis lang.
Ron's POV
Di ko na napansin na umaga na pala, hindi kasi ako nakatulog kagabe dahil sa nakita ko.
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖