Chapter 2: St. Monica University

8.7K 159 0
                                    

:O yan ang itsura ko habang papasok kami sa napaka laking unibersidad na ilang oras nalang ay papasukan ko na. Andito kami ni Auntie sa St. Monica University para mag-enroll, napagpasyahan ko na din na tungkol sa negosyo ang kukunin kong kurso para angkop sa pangarap ko. Dumiretso kami ni Auntie sa isang malamig na silid kung saan makikita ang admin ng eskwelahang ito. "Good Morning po, welcome to SMU" sambit ng babaeng nakaupo sa unang lamesa. "Good morning rin, mag-iinquire kami" ani tita, "ok po interviewhin ko lang po yung new student" at agad naman akong umupo sa tapat ng babae. Marami syang tinanong at pina fill up sakin na agad ko namang natapos at napasa, "ma'am anong oras ko po makukuha ang results ng scholarship exam?" tanong ko "10mins. nandyan na ang result" nag-antay naman ako para sa resulta, nag-apply kasi ako para sa scholarship para naman di mabigat sa bulsa ang tuition na babayaran nila mama. "Ms. Isabela Martines ?" tawag sakin ng admin officer. "po?" lumapit naman ako "Congratulations, nakapasa ka sa 70% scholarship ng SMU" nakangiting sambit nya sakin at nakipag kamay "Nako, maraming salamat po :)" tuwang tuwa ko namang tugon "welcome to our university Ms. Martines so eto na ang schedule mo at ang section kung san ka kabilang" tinanggap ko naman ang papel na inabot nya sakin at binasa ito "BSBA 1-A" pabulong kong sambit. "Pwede ka ng pumunta sa klase mo :) good luck" at nakipag shake hands ako at nagpasalamat, lumabas na kami ni Auntie sa office "O pano ba yan Isabela maiwan na kita dito papasok pa ko sa trabaho, kaya mo naba?" tanong ni auntie, "opo auntie kaya ko na po, salamat po sa pagsama ingat po sa pagpasok" at humalik ako sa pisngi nya at nag-wave. "*INHALE-EXHALE* eto na to Isabela, kaya ko to" pagmomotivate ko sa sarili ko at naglakad na papuntang room 234 dahil yun ang room no. na nakalagay sa schedule ko.

"My Gosh, how jologs. Duh!" narinig kong sambit ng mga babaeng nakakasalubong ko, anong problema ng mga to? alam kong sakin ang mga patama nila dahil ako lang ang hindi nakasuot ng uniform dahil nga bago palang ako at ako lang rin ang tinitignan nila. Dumiretso naman ako sa paglalakad ng nakayuko dahil medyo nahihiya ako ng biglang *BOGSSH!* "aray" >_ _< patay! Ano ba naman to, tumayo ako at nagpagpag ng sarili "sorry, nagmamadali lang talaga ako." Sambit ko. "Now what? Malilinis ba ng pagtitig mo tong damit ko?! HA!" Sigaw ng lalaki. Pupunasan ko na sana yung damit nya ng bigla nya kong tabigin palayo "Tandaan mo tong araw na to, hindi kita palalagpasin. ALIS!" Wow! Grabe talaga tong lalaki na to walang modo "AROGANTE!" sigaw ko at naglakad ng mabilis para hanapin yung room ko. "YOU'LL PAY FOR THIS JOLOGS!!" Rinig kong hiyaw nya habang palayo ako. Bakla ata yun, hayss.

***

Nang mahanap ko na ang room kung san ako kabilang ay agad akong kumatok. Agad naman akong pinagbuksan.

"Yes hija? how may I help you?" sabi ng isang middle age na babae na mukhang mataray, "Ahh magandang umaga po, transferee po ako at ayon po sa schedule ko dito daw po ang klase ko." sagot ko sa babae "oh, ok come in." at pinatuloy nya ko sa loob ng classroom. "By the way class, we have a new student here. miss, kindly introduce your self". "Ahh, magandang umaga ako si Ma. Isabela Martines transferee ako galing Bohol sana magkasundo tayo" at inalayan ko naman sila ng matamis na ngiti ng biglang *BOGSSH!* "MR. AXEL CRUZ!" saway ng teacher namin sa lalaking akala mo hindi uso ang manners sa pamilya nya, "Tsss" sagot ng lalaki "give some respect Mr. Cruz late ka na nga ganyan pa ang pinapakita mong ugali". hindi naman pinansin ng lalaki ang sinabi ng teacher at umupo sa kanyang upuan. Napabuntong hininga nalang ang aming teacher at bumalik ang tingin sakin "sorry for that ms. martines, so kindly choose your seat". Luminga linga ako para maghanap ng bakanteng upuan at nakakita naman ako kaso sa tabi nung lalaking no manners -___- no choice ako kasi yun nalang ang bakante kaya lumapit ako at umupo na.

"akala mo makakatakas ka sa ginawa mo sakin?" bulong ni no manners, dahilan para mapatingin ako sa kanya sakto namang nakatitig din sya sakin na syang kinagulat ko. o.O "IKAW?!" sigaw ko dahil nabigla ako ng mamukhaan ko sya. Sya yung ....... yung lalaki kanina! "Ms. Martines? what's wrong?" ani ma'am "sorry po, wala po ma'am" sagot ko naman "tsss, such a whore. alam mo bang dahil sayo kaya ako nalate?" tugon nya "huh? bakit ako? di naman kita inano ah?" tanong ko. "you mess up with me jologs and I assure you that you'll pay for that!" at tumalikod na sya sakin at bahagyang ngumisi ng nakalaloko kaya napahinga nalang ako ng malalim at pinilit kong makinig sa sinasabi ng teacher namin. hayyyyyy, aroganteng no manners :3

Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon