Isabella's POV
Hindi ko alam pero parang may di magandang mangyayare ngaung araw na to.
Huling subject na namin at anumang oras ay mag-uuwian na.
May kaba sa aking dibdib na di ko mapaliwanag.
"Are you ok Belle?" Tanong sakin ni Frosty.
"H-huh? Oo ayos lang ako." Sagot ko sa kanya.
"You look so ... Nervous kasi, are you sure you're o'ryt?" Muli nyang tanong.
Tango nalang ang isinagot ko sa kanya.
Hayyy, baka may test lang kame kaya ako kinakabahan.
"Ok class dismissed" sabi ni ma'am at lumabas na ng classroom.
"Ah, Belle di muna ulit kita mahahatid huh? May practice kasi kame ulit" sabi ni Ron.
Practice? Pero tapos na ang Intrams ah?
"Can we watch?" Singit ni Frosty.
"H-huh? W-wag na, umuwi na kayo" nauutal na sabi ni Ron.
Hmmm, mukhang may tinatago ang isang to.
"Naaah! We're not in a hurry naman right Belle?" Sabi ni Frosty na ngiting ngiti sa akin.
"H-huh?" Yan nalang ang nasagot ko.
"See? So let's go to your practice na Ron." Sabi ni Frosty at hinila na ko papunta sa gym.
Ron's POV
Pusang gala sa gubat naman oh! Ilang beses ba pinanganak ang Frosty na to. Ubod ng kulit!
Ayoko ngang makita ni Belle yung one on one namin ni Axel dahil panigurado magkaka-pisikalan kame.
Wala na -_- makikita na nya. Nandito na sila eh.
"Roooon!" Tawag sakin ni Rick.
Nandito rin pala ang Phoenix -_- akala ko ba kame lang ni Axel? Bakit may mga audience.
"Oh?" Sagot ko sa kanya pagkalapit nya.
"Tanga ka! Bakit nandito si Belle? Gusto mo bang ma-trauma yan? Tsaka ... Sino yung magandang kasama nya?" Sus -_- kunwari pang concern si tanga eh kay Frosty lang naman pala mauuwi ang pagka-concern nya.
"Bago naming kaklase, Frosty pangalan nya" sagot ko habang nagsasapatos.
"Woah ang cool ng pangalan nya kasing cool ng long blonde hair nya" sabi nya habang nakatingin sa dereksyon nila Belle.
"So pano ba yan? Wala ka ng crush kay Belle? Wag mo ng kulitin si Belle ah" sabi ko.
"Huh?! Hindi ko pagpapalit si Belle sa isang imported no!" Gago talaga tong Rick na to.
"Pre, kung san man hahantong tong 1v1 nyo ni Captain nandito parin kame para sa inyong dalawa. Walang kampihan." Sabi ni Ken.
"Salamat pre" sagot ko saka tumayo na.
"Pre easyhan nyo lang sana nandito yung pinaglalabanan nyo, baka mabigla si Belle" payo ni Xander.
Tango lang ang naisagot ko sa kanya.
Hindi sakin naka-depende ang mga mangyayare sa laban namin ni Axel.
Kasi ako, hanggat di ako inaano hindi ko rin sya aanohin.
Patas ako lumaban hanggat maaari dahil nandyan si Belle.
Pumunta na ko sa loob ng court kung nasan si Axel.
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖