Chapter 31: Jealous

3.1K 76 0
                                    

Isabella's POV

Nagising ako sa lakas ng tugtog mula sa labas, ayon ang hudyat para gumising na kame.

Laging ganito tuwing umaga, malakas na tugtog ang gigising samin.

Umunat ako at nagkusot ng mata saka tumayo para pumunta sa CR.

Nakita ko namang hindi pa gumigising si Axel.

Mahuhuli nanaman kame sa pagkaen ng umagahan nito.

Lumapit ako sa kanya saka ko sya niyugyog.

Di parin sya natitinag kaya nilakasan ko ang yugyog ko.

Nang mapansin kong wala paring nangyayare ay ginamit ko na ang dalawang kamay ko para yugyugin sya.

"Axel gumi -- .." Naputol ang sasabihin ko ng bigla nya kong hilahin dahilan para mapayakap ako sa kanya.

O_O ano bang pumasok sa isip nito!

"H-huy! Bitawan mo ko!" Bulyaw ko sa kanya.

Narinig ko ang mahina nyang pag-ngisi habang mas hinigpitan pa ang pagkakayakap sakin.

Di ako makagalaw sa ibabaw nya dahil sa higpit ng yakap nya.

"5mins." sambit nya.

"A-ano?" Tanong ko.

"Stay." Mahina nyang sabi.

"Just stay with me like this just for 5mins" sabi nya.

Halos kumawala naman ang puso ko sa lakas ng kabog nito.

Di ako gumagalaw hanggat ayaw nya kong bitawan nang biglang ..

"Woah! Captain? Belle?" Rinig ko na may nagsalita.

Agad namang napabitaw si Axel sakin at bigla syang napaupo sa kama nya.

Nakita ko sila Ron, Ken at Rick na nakatayo sa harap ng kama ni Axel.

"Nakaabala yata kame, sige pasensya na. Akala kasi namin di pa kayo gising" saad ni Ron saka lumabas na ng kwarto na agad namang sinundan ni Ken.

"Jealous guy tsk tsk. Ah, see you nalang sa lobby for breakfast!" sabi ni Rick saka sumunod narin kila Ken at Ron.

Pagkalabas nila sa pinto ng kwarto namin ay halos lumiyab ang buo kong mukha sa sobrang kahihiyan.

Baka kung anong isipin nila >_< jusko!

Tsss, ang hirap talaga kapag hindi pwedeng i-lock ang kwarto -___- ..

Dumeretcho na ko ng CR para mag-ayos, makaraan ang ilang minuto ay natapos na ko sa pag-aayos.

Lumabas na ko ng CR at nakita ko nanaman si Axel na walang damit pang taas.

Agad akong pumunta sa sofa na tinutulugan ko para doon na ituloy ang pagpupunas ko ng basa kong buhok.

"Gusto mo na ba mauna o sabay na tayo? I'll take a quick shower lang naman" sabi ni Axel habang namimili sya ng dadamitin nya sa bag nya na malapit sa sofa.

"A-ah s-sige sabay na tayo" sambit ko saka nagsuklay na ng buhok.

"Ok wait for me then" sabi nya saka pumasok ng CR.

Makaraan ang ilang minuto nakita ko na syang lumabas ng CR.

Napaangat naman ang tingin ko sa kanya at nakita kong pinupunasan nya ang basa nyang buhok gamit ang maliit na tuwalya.

Di ko maintindihan pero nakakaramdam ako ng mabilis na pagtibok ng puso dahil sa nakikita ko.

Di naman maikakaila na gwapo si Axel. Matangkad, maputi, medyo singkit ang mga mata, at dahil nakita ko na syang half naked eh kita ko naman na matipuno sya sa katunayan nga may abs sya.

Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon