Chapter 28: May The Best Man Win

3.4K 86 2
                                    

Isabella's POV

Nakabalik na kame ni Axel sa venue, di parin ako makapaniwala sa mga nalaman ko.

Paanong nagkagusto sa isang tulad ko si Axel? at si Ron?

Haaay, di ko inaasahana ganito ang mangyayare ngaung party.

Sa kabilang banda, tuloy parin ang kasiyahan dito. May malakas at masayang tugtugin, may mga tawanan at kwentuhan, kainan at syempre sayawan.

Katabi ko sa upuan si Ron ngaun, at sa kabila naman si Axel. Sa harap naman namin ay ang iba pa nilang kaibigan mula sa varsity team.

Lumipat sya ng upuan nung makabalik kame galing sa labas.

Di ko alam pero parang nakakaramdam ako ng tensyon sa pagitan nilang dalawa.

"Belle? Gusto mo pa ng maiinom?" Tanong ni Ron.

"A-ah, di na Ron ok na ko. Salamat" sabi ko at sinabayan iyon ng ngiti.

Napapansin kong parang pigil na pigil ang tawa ng mga kaibigan nila habang tinitignan sila sa tabi ko.

"Ok Belle, magsabi ka kapag gusto mo pa ng maiinom ah?" Sabi ni Ron na sinagot ko naman ng isang tango.

Makaraan ang ilang minuto ay napalitan ng malumanay na tugtog ang paligid, may mga magkakapareho muli na sumayaw ng sweet sa gitna.

Automatikong napalingon naman ang mga kaibigan nila Ron sa dereksyon namin.

Nagulat ako ng bigla akong hawakan sa kamay ni Ron at Axel ng magkasabay.

O_O eh?

"HAHAHAHAHAHAHAHA" tawa ng mga kaibigan nila.

"Yan na nga na ang sinasabi ko." Sabi ni Rick na halos mapunit ang bunganga sa kakatawa.

"First time kong ma-experience na may rivalry between sa dalawang phoenix. Exciting!" Sabi naman ni Ken.

"Daanin yan sa basketball!" Sigaw naman ni Dom.

Dahil sa mga kalokohan nitong mga to unti unti ko na silang nakikilala.

Lalo lang nilang dinaragdagan ang tensyon sa pagitan ng dalawang to.

"A-ah ... Ron, Axel ..." Naputol ang sasabihin ko ng pareho silang bumitaw sa kamay ko.

"Ugh! Sh*t" sabi ni Axel.

"Sorry Belle" sabi naman ni Ron.

"Ok, ok two young men. Para di kayo ganyan let's have a battle plan, I mean a game plan pero sa nakikita ko kasi mas suited ang BATTLE kesa game HAHAHA! Take it easy guys, tinatakot nyo naman si Belle eh." Sabi ni Rick.

Marami talagang pakulo ang isang to.

"So let's make this battle an little more exciting. Sa lahat ng bagay, kailangan nyong mag-unahan. What I mean is, kung sino ang nauna kay Belle ay dapat iparaya ng isa. And everytime na mauuna ang isa sa inyo kay Belle ay may 1point. At kung sino man ang may pinaka maraming point ibig sabihin sya ang deserve ni Belle. Why? Kasi sya lang naman ang nag-effort na laging mauna para kay Belle. Gets?" Eksplenasyon ni Rick.

Nako, parang di magandang ideya iyon.

"Tsss, damn you Dela Cruz andami mong alam." Sabi ni Axel kay Rick.

"Deal." Maiksing sagot ni Ron.

"Yon! That's my boy" sigaw naman ni Bry.

"Hindi ata papatalo si Captain, right captain?" Tanong naman ni Xander.

"Fvck you all." Sabi ni Axel at tatayo na sana sa pagkakaupo nya.

"So I guess di mo kayang ipaglaban si Belle?" Sabi ni Ron.

Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon