Chapter 26: Do I Like Her?

4.2K 98 4
                                    

Isabella's POV

Halos nanlambot ang buo kong katawan ng bigla akong isandal ni Axel sa pader at halikan.

Eto ang unang pagkakataon na mahalikan ako T_T .. Bakit sya pa? Bakit yung lalaking nanakit sakin pa? Lahat naman siguro tayo gustong maging first kiss eh yung taong mahal naten ngunit kabaliktaran ang nangyare sakin.

Ang unang halik ko ay ang lalaking kinamumuhian ko T_T ang lalaking lagi akong sinasaktan sa pisikal na paraan.

Wala akong magawa habang ginagawa nya ang bagay na to. Para kong naging tuod at hindi ko magawang igalaw ang kahit na anong parte ng katawan ko dala ng pagkabigla.

"Nakakarindi ka." Sa wakas, humiwalay sya sa pagkakahalik sakin at sinabi ang mga salitang yan at tumalikod.

Agad syang dumeretcho sa kama nya at nahiga.

Nanatili akong nakatayo sa kinatatayuan ko. Di ko mapigilang di maiyak T_T, malakas din ang kabog ng dibdib ko kaya agad akong napahawak sa dibdib ko.

"Are you going to stand there the whole night?" Napapitlag ako sa biglang pagtatanong ni Axel.

Lumapit ako sa sofa na tinutulugan ko at saka ako naupo. Wala parin ako sa wisyo ko, napapatulala parin ako sa nangyare. Di ko inaasahan na kaya nyang gawin yun sa tulad ko.

Axel's POV

Di ako makatulog Fvck! -__- may diperensya na ata tong puso ko, ambilis ng tibok simula pa kanina eh.

Aaminin kong first kiss ko yun, at nagsisisi ako na sa kanya napunta ang first kiss ko.

May magagawa pa ba ko? -_- di ko na naman mababawe yun sa Jologs na yun.

ArghH! Badtrip talaga. Para kong hinabol ng sampung kabayo sa bilis ng tibok ng puso ko.

Di rin ako makatulog -__- ..

"WALA KANG PUSO! MASAMA ANG UGALI MO!" naalala ko yung sabi ni Jologs kanina.

Galit na galit sya, to the point na umiiyak sya habang sinasabi nya yun.

Ganon na ba ko kasama? Trip lang naman lahat yun eh. Sya naman may kasalanan kung bakit ginagawa ko yon sa kanya, she messed up with me. Binangga nya ang pader na di dapat banggain.

Maraming beses na syang napahiya sa marami, yung nangyare sa gubat kanina yun na yata yung malala kong ginawa.

Siguro, tama na yun. >_< pero! Nag-eenjoy pa ko na pagtripan sya. Ugh! Pero medyo nakokonsensya narin ako.

Ok fine. Titigilan ko na ang isang to, pag kinalaban pa nya ulit ako. I'll make sure na di na ko maawa sa kanya.

Oh please! Fvcking heart beat patulugin mo ko!

Isabella's POV

Di ako nakatulog kaagad kagabe. Halos dalawang oras lang ang naitulog ko.

Iniisip ko parin ang mga nangyare, ewan ko ba. Hayss, pano ko pakikitunguhan ngaun si Axel?

Tumayo na ko at nag-unat. O_O nagulat naman ako ng makita ko si Axel na nakasandal sa pinto ng kwarto namin habang nakapamulsa at pinagmamasdan ang pag-unat ko.

"B-bakit?" Tanong ko sa kanya.

"Spoiled saliva, messy hair, morning star on your left eye. Great. Just a great start." Sabi nya saka tumawa at tumalikod na para lumabas sa kwarto namin.

O_O nako! Nakakahiya -__- Psh! Nakakaloko talaga ang isang yun.

Agad naman akong tumakbo sa CR at nag-ayos ng sarili.

Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon