Dedicated to: jeanabaya17 ^o^
Axel's POV
*kringggggg*
Yes! Labasan na eto na hinihintay ko. Deretcho na ko ng gym para mag-praktis, medyo excited ako kasi may maitim akong balak *evil grin* papatayin ko sa likod ng gym si jologs ..... SYEMPRE JOKE LANG.
Babawi lang ako sa ginawa nya sakin kanina, makikita nya.
Pagkadating ko sa gym agad akong nagpalit ng panlaro at nagsimulang magpapawis. (After a minute) *calling Jologs* "ano?!" Bulyaw nya >_< the Fuck! Ansakit sa tenga "pumunta ka sa gym ngaun din! Make it fast or else!!" Banta ko sa kanya at binaba ang Linya. Yari sakin tong jologs na to.
"Bakit nanaman ba?!" Geez! Nagulat ako sa sigaw nya >_< "you're too loud, wag ka ngang sumigaw" sabi ko sa kanya. "Uuwi na ko bakit mo ba ko pinapunta dito?" Tanong nya "I want a playmate" I said "ha? Anong playmate?" Tsss, so slow. "Playmate lang di mo pa alam? Tsss, wala ang Phoenix kaso gusto ko maglaro. Maglaro tayo ng basketball" HAHAHA di sya makakatanggi kasi hawak ko ang scholarship nya "nahihibang ka na ba? Hindi ako marunong!" Ang babaeng to parang nakalunok ng MegaPhone -__- "Basta! We're going to play. Move your ass now!" Bulyaw ko. At wala na syang nagawa kundi ilapag ang gamit nya at pumunta sa gitna ng ring HAHAHAHA :D yari to sakin, actually dapat may practice kami ng mga Phoenix kaso binadtrip ako ng panget na to kaya naisip ko tong kalokohan na to.
Hawak ko ang bola habang tumatakbo, sya naman nakatayo lang sa gitna at punagmamasdan lang ako :3 walang kwenta kalaro. Nakakailang shoot na ko pero nakatayo padin sya, mapasahan nga ng bola. *Hagis* "Panget!" *Booggsshh* "HAHAHAHAHA :D ! Axel for 3!" Wahahaha! Natamaan sya sa mukha nakatunganga kasi napatungo sya pagkatapos ng pagtama ng bola. Iyakin HAHA! Lalapit na sana ako ng bigla syang tumayo at nagtatatakbo dala yung bag nya. Anyare don? ?_?
Rick's POV
Bakit kaya walang practice ngayon? -_- kung kelan maaga kami pinauwe. Tsh! Makapunta na nga lang ng gym, tutal malapit na ko don. *Lakad* *Lakad* *Booggshh* "Aray!" Grabe naman tong babae na to di nag-iingat, tinulungan ko syang pulutin yung mga nalaglag nyang gamit at inabot ko yun sa kanya "t-thank *sniff* you *sniff*" umiiyak? Hmmm, "uy nasaktan kaba ng ka-gwapuhan ko? Pasensya na" biro ko, tumunghay naman sya O_O the heck! Duguan ilong nya! "Miss? Ok ka .... Teka? Ikaw yung .. Diba ikaw yung slave ni Captain?" Tanong ko sa kanya, kilala ko sya- sya yung tinulungan ko iabot yung towel para kay Axel. "Sabihin mo dyan sa Captain mo! Hindi ako laruan para paglaruan nya!!" Bulyaw nya sakin. Hala? Di kaya si Captain may gawa nun sa kanya? Kawawa naman.
Axel's POV
Palabas na ko ng gym ng makasalubong ko si Rick. Papasok na sana sya ng gym ng bigla ko syang batiin. "bro? Walang praktis, diba I already texted you?" Sabi ko sabay tapik sa balikat "yup, natanggap ko text mo. Pumunta lang ako dito para magpalipas ng oras." Sagot nya "kasama mo ba yung slave mo kanina dito?" Tanong nya "Oo, bakit?" Nagtatakang sagot ko pano nya Alam? "Papasok ako kanina dito, nakasalubong ko sya. Duguan yung ilong. Pare? Anong ginawa mo? Umiiyak sya. Sabi nya sabihin ko daw sayo na hindi sya laruan para paglaruan mo". Andrama ng jologs na yun, akala mo naman may mawawala sa mukha nya tsss! "Hayaan mo sya pare, sige Una na ko" naglakad na ko palayo ng marinig kong nagsalita si Rick. "Pare easy lang nakakasakit kana" napatigil ako at bahagyang tumigin kay Rick "Wala akong pake" at tuluyan na kong lumabas ng gym, seriously? Naaawa sila sa jologs na yun? Tsss!
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖