Isabella's POV
Pagkatapos ng party ni Axel, lagi na nya kong tinatawagan at tinitxt.
Di lang ako ang may regalo sa kanya nung birthday nya, sya rin nirigaluhan nya rin ako.
Nasabi ko kasi sa kanya na uuwi ako ng probinsya ngaung Christmas vacation.
Nagpabili agad sya ng cellphone dun sa kasambahay nila kahit medyo gabi na.
*Riiiing*
"Hello" sabi ko sa kabilang linya.
"Anong oras flight mo?" Tanong ni Axel.
"Ah, 10am pa bakit?" Tanong ko naman.
"Nothing" sabi nya.
*toot*
Problema non? -_-
Tumingin ako sa orasan at nakita kong 9am na. Nakapag-ayos na ko, aalis nalang.
Kinuha ko na yung bag ko at tinawag na si Auntie Mary.
Palabas na kame ng bahay ng may marinig akong sasakyan sa tapat ng bahay.
"Humiram ka po ng kotse Auntie?" Tanong ko kay Auntie.
"Nako hindi ah, baka sa kapit bahay lang yan." Sabi ni Auntie.
Pagbukas namin ng gate at tumambad sakin ang mga kaibigan ni Axel na nakasakay sa mga kotseng nakaparada sa tapat ng bahay ni Auntie.
O_O bakit sila nandito?
"Hi dear! Let's go na" sabi ni Frosty.
Andito din sya? O_O
Bumaba si Frosty saka ako tinulak sa loob ng kotse.
"We're taking you to the airport, you know hatid lang" sabi nya.
Di na ko nakapagsalita. Pinaandar na nila yung kotse.
"Di nakasama si Axel, may appointment sya eh" sabi ni Ron.
Aaminin ko nalulungkot ako kasi hindi sya nakasama sa paghatid sakin. Alam kong babalik din naman ako after ng Christmas vacation pero ... Mamimiss ko sya :( ilang linggo rin yun.
Matapos ang byahe ay pumasok na kame sa airport.
Lumilinga ako, nagbabakasakaling makita ko si Axel. Pero wala talaga sya :(.
"Take care Belle!" Hiyaw naman ng mga Phoenix.
Lumapit sakin si Frosty.
"Dear, balik ka kaagad huh? Don't you dare to stay there forever. Vacation lang ok? I'll miss you :)" tapos hinug nya ko.
"Oo naman, di pa ko tapos mag-aral eh mamimiss din kita, kayo" sabi ko.
"Ingat kayo Belle :)" sabi ni Ron saka niyakap nya ko.
"EHEM!" sigaw ng mga kaibigan niya.
"Pakyu! Yumakap lang ako, alam ko kay Captain sya kahit dapat sakin talaga .." Sabi ni Ron, hinampas ko naman sya.
Tumawa naman sila.
Di talaga pumunta si Axel :( di man lang sya nag-abala na ihatid ako.
Hayy.. Wag ko na nga lang sya isipin, 3weeks lang naman eh babalik din naman ako.
Nagbabye na ko sa kanila at tumalikod na kame ni Auntie para pumasok na sa loob.
Lumingon ako ulit para tignan sila, lahat sila nakangiti sakin. Ngumiti din ako.
Axel's POV
I'm on my way to Bohol :)
Yes, tama kayo ng iniisip. I'll spend my Christmas vacation sa Bohol kung saan nandun si Sab.
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖