Axel's POV
Nasa loob na kame ng unit ko.
Naalala ko tuloy nung unang beses ko syang dinala dito.
Halos magbulungan naman ang mga kapit bahay ko ng makitang may ipinasok akong babae sa unit ko.
Tulad nga ng sabi ko, never pa kong nagdala ng babae sa unit ko. Si Sab lang ang unang babae na nakapasok dito.
Ganon sya ka-special.
Ewan ko ba."Ligo lang ako, wait me there ok? Gagamutin mo pa tong sugat ko" sabi ko saka dumeretcho na sa CR.
Isabella's POV
Dinala ko ni Axel sa condo nya, kinaladkad lang naman nya ko papunta dito.
Hindi ito ang unang beses na nakapunta ako dito pero ngaun ko lang ito natitigan ng maayos.
Nag-aantay ako sa kwarto nya para gamutin ang sugat na natamo nya mula sa away nila ni Ron.
Halos manlambot naman ang tuhod ko nung nakita kong nagsusuntukan sila kanina.
Akala ko hindi sila magpapa-awat, natakot talaga ako kaya ako na yung umawat sa gitna nila.
Nako! Naiwan ko pala si Frosty mag-isa dun, nako sana nakauwe na sya.
"Daydreaming? Gabi na" halos mapatalon ako sa gulat ng magsalita si Axel.
Nakalabas na pala sya sa CR.
O_O at muli nakita ko syang half naked. Jusko!"Hoy! Galit ka ba sa damit?! Pwede ba! Magbihis ka nga muna!" Singhal ko sa kanya.
Tumalikod naman ako mula sa dereksyon nya.
Nang bigla kong maramdaman na lumapit sya sakin."Gusto ko bihisan mo ko" bulong nya sa kanang tenga ko.
Susme! Kinikilabutan ako sa ginagawa nya! >_<
"T-tumigil k-ka n-nga!" Bulyaw ko.
*Dugdug* *Dugdug*
N-niyakap nya ko mula sa likod!
O_O Jusko! Nararamdaman ko ang katawan nya!"A-Axel ..." Magsasalita pa sana ko ng bigla syang bumitaw.
"Oo na eto na magbibihis na" sabi nya saka narinig ko ang laganit ng cabinet nya.
Whew! Nakahinga ako ng maluwag.
"Nakabihis na ko" narinig kong sabi nya.
Humarap na ko sa kanya at nakita kong nakabihis na nga sya.
"Oh! Simulan mo na." Inabot nya sakin yung first aid kit.
Binuksan ko naman yon at nagsimulang ayusin yung mga gagamitin ko.
Matapos kong maayos ay sinimulan ko ng gamutin ang mga sugat sa mukha ni Axel.
"Careful, nag-iisa nalang ang ganitong ka-gwapong mukha" sabi nya.
-___- tssss, napakayabang.
Habang pinapahid ko sa kanya ang gamot para sa sugat nya sa mukha ay nakaramdam ako ng kakaiba.
*Dugdug* *Dugdug*
O_O ano yun? Bakit ang bilis ng tibok ng dibdib ko? Di kaya may sakit na ko sa puso? Napapadalas to eh.
"Ouch!" Sigaw ni Axel.
Nako! Nadiinan ko yung pahid sa sugat nya >_< kasi naman tong puso ko eh!
"A-ah, pasensya na" sabi ko.
"Lagi mo nalang ako sinasaktan." Bigla nyang sambit.
"H-huh?" Nauutal kong tanong.
BINABASA MO ANG
Mr. Arrogant meets Promdi Girl (PUBLISHED UNDER B.W.PH)
Teen Fiction"Is it possible to fall in love when all you know is hate?" #Mr.ArrogantMeetsPromdiGirl 💖