Chapter 26

30 1 5
                                    

Skyler P.O.V

       Pagkagising ko kanina tas binuksan ko yung pinto ng kwarto ko my nakita akong sticky note galing dun sa babaeng yun.. Oo galit ulit ako sa kanya. Sino bang hindi diba?. nageefort na nga akong ibalik yung dati naming samahan tapos gumagawa siya ng maling bagay na sisira nito lalo.. 

'Kuya pasensya ka na talaga sa katangahan ko ah. Pinagsisisihan ko na yun kuya. Sana tanggapin mo na po yung sorry ko. Di ako titigil hanggang di mo po ako mapapatawad.Pero Kung wala na talaga ., anong pong magagawa ko?. kailangan ko na lng po sigurong tanggapin ko. Sorry talaga '

'Good Morning Kuya . Baba ka na para kumain. Take Care. #ImReallySorry. #SabihinMoLangPo.TitigilNaAko'

   Sus puro kaartehan e. makababa na nga. Susuko ka din blue,. tandaan mo yan. at pagsumuko ka na hinding hindi kita hahabulin.

  Pagdating ko sa kusina naabutan ko si Mom na nagluluto pero my pancake at gatas na lamesa.

'Mom? Kanino po tong pancake?'

'Ayy 'nak kay Blue yan. Pakihatid naman sa kanya oh'

'Hintayin na lng po natin siyang bumaba'

'Hindi siya makakababa e.'

'Pabebe lng yun'

'Dalhin mo na yan.'

     Wala na akong nagawa kaya umakyat ulit ako dala ang pagkain niya.

*Tok!Tok!*

'Come In'

'Bukasan mo kaya to.!'

'Ayy pasensya na. Saglit lng po'

     Habang nagaantay ako my narinig ako bumagsak sa loob ng kwarto ni Blue.. kaya kahit mahirap binuksan ko yung pintuan niya.. nakita ko siyang nasa sahig at    bigla niyang tinago yung paa niya sa ilalim ng kama niya.. Tss clumsy.

'Ito daw pagkain mo. tumayo na dyan.'

'ah salamat kuya'

    Tumalikod na ako para bumaba.

*Blag!!*

    Napalingon ako kay blue at nakita kong nakaupo siya sa sahig habang pinupulot yung nabasag na plate at baso.. 

'Ano nanaman ginawa mo Blue?!.. Napakawalang kwenta mo talaga!!'

'Sorry kuya. Lilinisin ko na lan----ouch!'

'bilisan mo dya--bakit nadugo yang kamay mo?!'

'Ah e wala kuya.. ge baba kana po malalate ka pa sa klase mo. lilinisin ko lng to ako  na din po magbaba nito'

    Di ko siya pinansin kasi nakatingin ako dun sa ankle niya..namamaga ito pati na rin yung kamay niyang nadugo.. Bakit ganito ako?. bakit ako naaawa ako sa kanya. Dahil ba mahalaga siya sakin?. Pero galit ako sa kanya.. Dali dali akong umalis dun at pinabayaan na siya.

   Hanggang pumasok ako sa school iniisip ko pa rin kung bakit ako naaawa kay blue dapat kasi talaga galit ako sa kanya ..

Blue P.O.V

 Buti na lng umalis na si Kuya. pero umasa akong tutulungan niya ako. alam ko naman na galit siya sakin e..

*tok!tok!*

'Blue?. Aalis muna ako ha. Baka gabi pa ako umuwi, kain na lng kayo ng kuya mo ha.ikaw din..'

'okay po.Ingat'

Buti na lng hindi pumasok si Tita.. ayoko kasi na mag abala pa siyang tulungan ako na linisin yung kinalat ko.

  Sinubukan ko tumayo pero di ko kaya. kaya yun maghapon akong nakaupo sa sahig.. hayss.. hintayin ko na lng si tita mamayang gabi..

  pinunasan ko yung sugat ko sa kamay gamit yung damit ko. tapos pinatong ko na lng sa jogging pants ko para di masyadong magdugo. Isa lng talaga ang problema ko gutom na ako.. mamaya tatry kong tumayo para makakain na ako..

Sumandal muna ako sa cabinet na malapit sakin..

----------------

*Edited*

My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon