Chapter 27

12 0 0
                                    

Ngayon lng ulit nakapagbukas ng wattpad account.. sensya po..

Blue P.O.V

My naramdaman akong nagpupunas ng mukha ko. di ko alam nakatulog pala ako sa pagkakasandal. pero bakit parang ang lambot. minulat ko na yung mata ko.

nasa kama ko na nga ako. iba na rin damit ko. my bandage na rin yung kamay at paa ko..

'Buti naman ay gising kana..Inistorbo mo pa ako.'

Napatingin ako ng magsalita si kuya sa tabi ko.

'Ayy pasensya na po kuya. Salamat sa pagalaga sakin. sorry talaga.'

'ge'

at umalis na siya.. Miss ko na siya.. Feeling ko di na niya ako mapapatawad.. Kailangan ko na lng sigurong tanggapin at Igrant yung matagal na niyang wish..

Sana pag nagrant ko na yun sumaya na siya..

Skyler P.O.V

Paguwi ko sa bahay dumiretso ako sa kwarto ko para magbihis ng pambahay at bumaba para kumain ng meryenda. pagtingin ko sa ref my sticky note si Mom.

'Skyler anak umalis ako my pupuntahan lng ako gabi na ako uuwi. Kumain na lng kayo ni Blue ng hapunan niyo ha. Anak wag mong pababayaan si Blue ha. Ayy nga pala check mo naman kung kumain si Blue ng tanghalian niya ha.Salamat anak.-Mom'

Kaya pala ang tahimik dito sa bahay.. ayy si Blue nga pala.. siguro naman tinulungan na siya ni Mom na linisin yung sarili niya ..

'Blue kumain ka na lng sa baba pagnagut----BLUE!!'

  Naabutan ko si insan na nakasandal sa cabinet niya at yung ayos niya ganun pa rin tulad ng iniwan ko siya kaso my dugo na yung damit niya at pati yung kamay niya..dali dali ko siyang inayos at nilinis yung sugat niya.. buti na lng half day lng kami ngayon. 

Napatingin ako sa ankle niya.. ito siguro yung nilaglag ko siya kagabi.. hayss mabendahan na nga lng..Nagising siya habang binebendahan ko siya kaya yun nasungitan ko siya..

Papunta na sana ako sa kwarto ko ng narinig kong  bumukas yung pinto ng kwarto ni blue.. napatingin ako sa kanya .. nagulat ako ng makita ko siyang bababa ng hagdan kahit hirap na hirap na makalakad at tumayo.

'San punta mo?'

'Ayyy!! Bababa po'

'Bakit?'

'kakain lng po ako.. di pa kasi ako naguumagahan e.. sorry po kung naistorbo kita.'

'Ge'

 Tss.. bahala siya sa buhay niya.. basta ako tutulog na..

'Anak!!!!'

'Po?! ma naman e bakit po ba kayo nanggigising?'

'E anak pasensya na. Papadala ko sana si Blue sa kwarto niya e. Dun na kasi siya natulog sa sala nakakaawa naman.'

'ge po'

Habang hinihiga ko siya sa kama niya bigla siyang nagsalita.

'Kuya ko?. Sorry talaga ha.. Sa tanggapin mo na po yung sorry ko.. At kung hindi man po sana po sabihin mo na sakin para po igrant ko na yung wish mo.. Sorry talaga... Love you panget'

 Di ko na pinansin yung sinabi niya at bumalik na ako sa kwarto ko..

Kinabukasan my natanggap akong txt na wala daw kaming pasok.. so natulog pa ako..

*Tok!Tok!*

'Skyler Anak pwede ba kita makausap?'

'Yes mom'

'Anak bakit ang cold mo kay Blue?'

'Ma galit ako sa kanya galit na galit?'

'Bakit? dahil ba nagpanggap siya? Dahil siya ang dahilan ng pag aaway niyo ng gf mo?'

'oo ma.. '

'Anak napakababaw ng rason mo.. Anak sana mawala na yang galit sa puso mo bago pa magbago ang lahat. Galit ang maglalayo sayo sa katotohanan na dapat mong malaman. tandaan mo yan'

'opo ma.'

'Anak di mo na ba mapapatawad si Blue?'

'Bat mo naman natanong ma?'

'Oo o Hindi lng'

'Hindi na siguro ewan.'

'Sana matuto kang magpatawad anak. oo madali magpatawad pero mahirap makalimot pero sana patawarin mo na si blue anak. bago pa mahuli ang lahat.'

'Hindi na ma.. Hindi na.. natuto na ako.. kaya sorry kung di ko siya mapapatawad sa ngayon'

'O sige anak'

    Ang weird ni Mom. BAkit ganun kailangan ko na ba magpatawad?. panong mahuli ang lahat?.

My BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon