Author's Note: Get ready to meet the characters of My Sister's Boyfriend! ^o^
Don't forget to click VOTE and hit the COMMENT section! ;) Enjoy! :D
__________________________________________________________
Chloe's POV
"Chloe! Spike mo!!"
Nag focus lang ako sa bolang papalapit sakin. Inipon ko lahat ng pwersa sa kamay ko at tumalon ako ng mataas. "Yaaahhh!"
Nagpapalakpak at nagsasayaw ako nang makapagspike ako malakas! "Wooaahh! Yeah baby!"
"Ano besh. Papasa na ba ko sa volleyball try-outs?" confident kong tanong sa best friend ko. Pero itong si Ella tulala lang sakin na para ba akong bibitayin. "Hoy ano na? Laro pa tayo!"
Luminga-linga ako. "Nasaan na ba yung bola?" Napako yung mga mata ko dun sa pamilyar ng rubber shoes sa harapan ko. "Parang kilala ko tong sapatos na ito ah.."
Napalunok ako pag-angat ko ng tingin sa kanya. Si Ryker.
Napansin ko lahat ng players sa gym nakatingin samin. Anong meron guys? Binalik ko yung tingin ko kay Ryker. Hawak-hawak pala nya yung bola! Teka, bat parang namumula mukha nya?
Oh. No. O.O
Tinamaan ko yata ng bola si Devil Aguilar! I'm so dead!! Lord, pakiusap tulungan nyo po ako!! Magliligpit na po ako ng bed tuwing umaga! Promise!!
"Hehehe.." Nag peace sign ako sa kanya. "S-sorry.. H-Hindi ko sinasadya—" Napapikit na lang ako ibato nya sakin yung bola!
"GAGO KA AH!!!"
He just smirked at me. "Sorry rin."
Halos maibuga ko na lahat ng hininga ko sa sobrang wala na kong masabi sa ugali nya!!! What a jerk!! The nerve! Hindi ko talaga maintindihan kung anong nagustuhan sa kanya ni ate Cassie at kung bakit sya heartthrob sa school!? Eh dimonyo naman yan!!
"Besh, okay ka lang ba?" si Ella.
"Kaya pala kung makatingin ka sakin kanina para na kong bibitayin! Tinamaan ko pala ng bola si Devil hindi mo man lang ako winarningan!!"
"Pasensya naman besh! Nagulat rin kaya ako. Bago pa kita masensyasan e nasa likod mo na sya. Alam mo namang para yong si kochisake-onna sa bilis nung maglakad!"
"Sauce! Sabihin mo takot ka lang din dun."
Kinuha ko yung bag ko. "Samahan mo na lang ako sa cafeteria. Bibili akong ice cream! Pampalamig!" Tumingin ako sa gawi nung mga basketball players kung san nandon ang pasikat na si Ryker. Nilaksan ko yung boses ko. "Para na kasing impyerno dito sa gym! May nagkalat na dimonyo!"
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]