Chloe's POV
"Pakshet talaga oh!" Ini-off ni Ella yung phone nya saka isinaksak sa bulsa.
Nandito kami sa freedom park. Inaaral ko yung report ko para bukas, itong best friend ko naman kanina pa badtrip!
"Besh, high blood ka na." sabi ko.
"Pano ba naman yung boy labo na yon! Wala na lang ginawa kundi magtext sakin! Umaga, tanghali, gabi aba eh walang mintis! Dinaig pa yung alarm clock ko! Kapal pa ng mukha tumawag one time, binulyawan ko nga! Saan ba kasing lupalop non nakuha number ko?! Malaman-laman ko lang kung sinong nagbigay nun! Isasako ko silang dalawa!!"
Nakakatakot naman si Ella d murderer! Di malayong isako nga nya ako pag nalaman nyang binigay ko yung number nya kay Ian? Yung si nerd! Hehe. Nakasalubong ko kasi si Ian nung palabas na ko ng gym, tapos tinatanong nya sakin yung name at number ni Ella. Wahahaha! XD
"Besh, ate Cassie mo oh!"
Napalingon ako dun sa nginunguso ni Ella. Sumama yung tingin ko. Magkasama na naman sila ni Ryker! Binalik ko yung tingin ko dun sa nirereview ko. Araw-araw na lang sila magkasama. Sa school nasa iisang building lang sila! Napunta sa bahay si Ryker, napunta naman sa condo nya si ate Cassie! Idagdag mo pa yung mga dates nila kung saan-saan! Juice ko! Hindi ba sila nagkakasawaan?? Kaumay!! Pwe!
"Chloe! Bakit feeling ko bitter ka?"
"BITTER?! BAKIT NAMAN AKO MAGIGING BITTER!!"
Etong best friend kung anu-anong pinagsasasabi!! I'm not a jelly peanut bitter! NO!
"Gusot na gusot na yang report mo oh!"
"Hala!" Nalukot yung report ko! T^T Di bali, mag-print na lang ulit ako mamaya!
"Away-bati kayo lagi ni devil, no?" si Ella. "Hmm.. Baka naman magkatotoo sayo yung 'the more you hate, the more you love'!
Para yatang tumigil ang supply ng oxygen sa utak ko sa sinabi ni Ella.
The more you hate, the more you love.
"Mangilabot ka nga!!"
Binaba ko yung binabasa ko. Napahinga ako ng malalim.
Sobrang complicated ng relationship namin ni Ryker. One day, we're friends. The next day, we're enemies. I hate it. Why can't we be just friends?
Matapos nyang suntukin si Kyle at paiyakin ako, eh sya pa yung may ganang hindi kami pansining dalawa! Lalo na ako!! Iniiwasan ako ng todo ni Ryker, hindi nya talaga ko tinitingnan. He's treating me like I'm invisible. And, you know what the worst part is? Nalulungkot ako.
--
Hays! Kanina pa ko paikot-ikot dito sa school. Yung dalawa kong best friends busy! Si Ella sa volleyball practice, si Kyle naman sa photography club. No choice tuloy ako kundi hintayin sila.
Nadaanan ko yung music room. May narinig akong tumutugtog ng piano.
Out of curiosity, sumilip ako. May nakita pa akong nakaipit na bote ng mineral water sa pinto. Pinulot ko ito at tinapon dun sa basurahan sa gilid. Hay nako! Yung mga schoolmates ko ang hilig mag-litter. Psh.
"IDIOT!"
Nanlaki yung mga mata ko ng makita ko kung sino yung tao sa music room. Curiosity kills nga naman!!
"Ryker?!"
Napatakbo sya sa may pintuan at sinusubukan itong buksan. Kaya lang.. Ayaw bumukas?
Dinampot nya yung bote ng mineral water sa may basurahan. "What the hell?!"
Galit na galit naman sya. Juice ko! Wala bang ibang mood ang lalaking 'to kundi angry?? Palit-palit din pag may time!
"A-ano bang problema?" tanong ko.
Napalamukos sya ng mukha.
"Sira yung door knob nitong pinto at sa labas lang nabubuksan! Kaya nga inipitan ko nung bote para hindi mag-locked!"
Wait, WHUAT?! So, ibig sabihin?? Shit! Kinapa ko yung cellphone sa bulsa ko.
"No use. Walang signal dito." si Ryker.
OH. NO.
"Don't tell me.. We're trapped?!"
Sininghalan ako ni Ryker. He was mocking me.
"Yes, we are trapped. All thanks to you, little miss stupid!"
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]