Author's Note: After 12345 years.. Nakapagupdate rin ako! ^_^ May readers pa ba ko? T_T
Excited na ko sa reactions nyo sa chapter na 'to! XD ~VOTE & COMMENT ha! =)
___________________________________________________________
Chloe's POV
The next morning kahit ayaw katawan at kaluluwa ko.. Pumasok pa rin ako sa school para humarap sa panibagong delubyo.
"I can't believe wala na ang power couple ng GEU!"
"Cassie and Ryker are soo perfect for each other pa naman! Winasak lang nyang babaeng yan ang forever natin!"
"Nako! Itago nyo na yung mga boyfriend nyo! Baka ahasin at tuklawin rin ni Chloe!"
Akala mo'y mga bubuyog silang nagbubulungan pero rinig na rinig na naman. Peste ah! Yung ito lang naman yung kasalanan ko, hinusgahan na nila ang buong pagkatao ko. Mga wala naman silang alam ni katiting sa nararamdaman ko.
Naikuyom ko yung kamao ko. "Ouch.." Potchi! Namamaga pa rin yung mga daliri ko. Inipit kasi ni ate Cassie sa pinto nung hinahabol ko sya para kausapin! Nagbabakasakali akong pagbubuksan nya ko hanggang sa makatulog at magising na ko sa labas ng kwarto nya.
Hindi ko na alam ang gagawin ko. Ayaw nyang makipagusap! Paano namin maitutuwid ang gulong ito kung si ate Cassie mismo ang umiiwas. Para bang gusto na lang nyang mamuhi sa galit kesa harapin ang katotohanan.
Naiintindihan ko ang pulo't dulo ng galit ni ate Cassie. Alam ko yung mali ko. Ngunit tama bang sirain nya ang dignidad ko sa lahat ng tao!?!
Ako? Paano ba nya ba gustong sabihin ko sa kanya na inlove na ko sa boyfriend nya? Kaya mas pinili ko na lang itikom ang bibig ko at pigilin ang tibok ng puso ko. Handa kong i-sacrifice ang sarili kong kasiyahan para sa kapatid ko. Ngunit anong gagawin ko kung mismong tadhana ang gumagawa ng paraan upang itulak sina Ryker at Chloe sa isa't isa? Tila ba may gusto tong ipaghiwatig.
"Sineduce siguro ng sex ni Chloe kaya hindi naka-resist si Ryker!"
Napahinga ako ng malalim..
"BINUBULONG-BULONG NYO BA HA?! KITA NYO TONG KAMAO KO? ISUSUNTOK KO 'TO SA BUNGANGA NYO KAPAG UMIMIK PA ULIT KAYO!"
Binilisan ko yung lakad ko. Ngunit nanigas ang buo kong katawan ng magkasalubong kami.
"Ryker.."
Napapikit na lang ako ng madiin nang lagpasan nya lang ako. Sobrang sakit parang dinukot nya yung puso ko.
Ryker's POV
Pinindot ko yung passcode ng condo ko. Nagulat ako ng madatnan ko sya sa loob.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]