31 ♥ Fight For Love

6.6K 135 15
                                    

Author's Note: Guys! Last 4 chapters na po ng MSB! Abangan natin ang HULING MGA PASABOG! Show your love & support by leaving votes and comments! =))

Check-out the FAN ART on the multimedia section. Drawing ni Raizah Mendoza! Grabe unnie! Ang galing mo! Cuteness overload!  Kuhang-kuha yung mga characters eh. ;">

_________________________________________________________


Chloe's POV


Bawat hakbang ni Ryker palayo ikinababasag ng puso ko. Walang tigil ang buhos ng luha ko.


Ilang beses ko na bang sinabihan at pinigilan ang sarili kong huwag mahalin si Ryker? Hindi ko na mabilang. Gayun pa man.. Paulit-ulit kaming dinadala ng tadhana sa isa't isa. At kahit anong gawin ko si Ryker ang sinisigaw ng puso ko.


Marahil ito ang paraan ng Diyos upang ipaglaban namin ang aming pagmamahalan. Iyong maging malakas at matibay kami. Walang makakatibag kahit pamilya o kamatayan pa.


Ayokong makulong sa pananahimik at lungkot. Isang malaking sugal ang pag-ibig. You cannot always wait for the perfect time, sometimes you must dare to jump.


"Ryker!"




Ryker's POV


Wala na kong ibang maisip na solusyon sa delubyong ito kundi ang umalis sa buhay ng dalawang babaeng minahal ko.


Mula nuon iniligtas ako ni Chloe nagkaron na sya ng espesyal na parte sa puso ko. Hindi ko alam kung dahil sa utang na loob.. Oh dahil ang pag-asa na magkikita kaming muli ang tanging kinapitan ko na lang non para mabuhay pa. The longing and idea of her made me fall inlove with Chloe for all these years..


Nung namatay si mama alam ko wala ng nagmamahal sakin. Lahat ng tao pinagtatabuyan ako. Akala ko matigas na ko. Ngunit natunaw ni Cassie ang puso kong bato. Nakaramdam ako ng saya at tuwa na may taong nagmamahal, nag-aalaga at gustong maging bahagi ng buhay ko.


Nitong nakasama ko si Chloe.. I know everything that I felt for her wasn't an illusion. It was real and true. Maaring pinaglaruan kami ng mundo o nakatadhana kami para sa isa't isa. One thing is for sure, we love each other.


"Ryker!"


Napatigil ako sa paglalakad. Nanigas ang buo kong katawan ng yakapin nya ko mula sa likod ko. Tulad non unang beses nya kong yakapin nung mga bata kami.. Nagdulot ito ng kakaibang pwersa sa puso ko na tila gustong kumawala sa dibdib ko.. Walang duda may koneksyon kami sa isa't isa..


"Chloe.."


Napahawak ako sa mga kamay nya. Lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.


"Hindi ako bibitiw Ryker.. Hindi na kita bibitawan pa.. Lalaban ako kasama mo.. Ipaglalaban natin ang pagmamahalan nating dalawa.."

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon