Chloe's POV
Ang awkward namin ni Kyle nung byahe pauwi. Hindi ko naman sya binasted ah? Ang sabi ko lang, kailangan ko pa ng time para makapag-isip.
"I'M HOME!"
Nakita ko si ate Cassie nakadapa sa living room ka-skype si mommy sa laptop.
Umupo agad ako dun sa cushion. "Hi, mommy!"
"Oh hey baby! How was your date?"
Tiningnan ko ng masama si ate! Nagpacute lang sya sakin. Tss.
Kamusta nga ba?? Hays. Sana maging okay na ulit kami ni Kyle. Di ko yata kakayanin 'pag nagalit sya sakin.
"Ayos naman po. First time ko makasakay ng ATV at zipline!"
"Wow! My baby is such a cowgirl!"
Nag Mr. Pogi pose ako. "Syempre!"
"Alright. So, I want Kyle to be your escort on your birthday party."
Ilang araw na lang birth month ko na. September.
Pero nangunot yung noo ko dun sa huling sinabi ni mommy. "Escort? Party?"
"Yes, baby sis! We're going to hold a party!" Dreamy na sabi ni ate Cassie habang pisil yung mga kamay ko. "It's your 16th birthday na baby sis! Oh my gee!"
Kung ibang girls siguro excited sila mag plano ng sweet 16 party nila. Me? Ayoko nung feeling na nagiging center of attention. Para kasing pag ganun 'tipong kailangan ko mag fulfill ng standards and expectations ng mga tao.
I awkwardly smile. "Kailangan po ba talaga?" tanong ko kay mommy. "Pwede naman po kumain na lang tayo sa restaurant? Ang mahalaga kumpleto po tayong family!"
Ngunit wala na akong magagawa dahil planado na nila lahat ng preparations and everything! Up to the smallest detail! Wow, ha? Buti naisipan pa nilang sabihin sakin yung ganap sa birthday KO.
"Anong ulam?"
Kumuha ako ng plato. Gutom na gutom na ko.
"I think, chicken curry yung niluto ni Yaya Minda?" si ate Cassie. "I made some nutella churros too!"
Kakain na nga lang ako! This day is so jittery! Hindi ko alam kung magiging masaya o malungkot ba ko. Buti na lang nandito ang mga foodies!!
"Chloe, wait lang natin si Ryker? On the way na sya."
WHUUAATT? PUPUNTA DITO SI RYKER?? AS IN NOW?! EHH ANG DUGYOT KO PA NAMAN!! WITH ALL THE PAWIS AND DIRT KANINA SA ADVENTURE CAMP!! WAAAHH! MALILIGO MUNA KO!!!
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]