Author's Note: So, everything comes to this. :) Hay, grabe! Halos 11 months ko rin sinulat tong My Sister's Boyfriend! Gusto kong magpasalamat sa mga beloved readers ko lalo na yung sumuporta simula umpisa hanggang sa huli! MARAMING SALAMAT! THANK YOU SO MUCH! ;"> Kayo ang inspirasyon ko! PUSO!! ♥♡♥
Meron rin pala tayong OFFICIAL PAGE sa FB. Search nyo Pigoink Stories. Paki-LIKE na lang po at sana masuportahan nyo rin. ~.*
Personal Instagram: dear.aliza
I hope you've enjoy reading My Sister's Boyfriend! ^_^ I will definitely miss my inspirited Chloe, grumpy Ryker, sweet-loving Cassie and boy-next-door Kyle!
P.S: VOTE AT COMMENT PO! YUNG MAHABA NAMAN AT NAKAKAANTIG NG DAMDAMIN HA~! ;)
_____________________________________________________
Ryker's POV
Parang akong lumulutang habang naglalakad sa chapel ng hospital.
"Chloe is under comatose. Walang nakakaalam kung kelan sya magigising o kung magigising pa sya."
Nakita ko si Cassie na nagdadasal.
"Ryker.."
Umupo ako sa tabi nya. Nagsimula syang magluha.
"Ako dapat yung tatamaan ng bala. Iniligtas ako ni Chloe. Ako dapat yung comatose ngayon. Para syang nakipagpalit ng buhay sakin!"
Napapikit na lang ako ng madiin. Chloe's brave heart save lives. Napatingala ako. Isa syang tunay na anghel.
Napatingin ako kay Cassie.. Isa rin syang anghel ng buhay ko. Wala syang ginawa kundi mahalin at alagaan ako. To think, Cassie even back me up nung nag-explain ako sa parents nila tungkol saming tatlo at muntik na nila kong pagbawalan bumisita sa hospital.
Hinawakan ko yung mga kamay nya. "Hindi ko alam kung paano ako hihingi ng tawad sayo.. Kung paano magpapasalamat sa lahat ng kabutihan mo.." Idinikit ko yung kamay nya sa labi ko. "Minahal kita ng totoo Cassie. Pero--"
"Pero hindi katulad ng pagmamahal mo kay Chloe." Ngumiti ito ng mapait.
Humarap sya sakin. "Magsisinungaling ako kung sasabihin kong hindi na masakit at hindi na kita mahal. Kasi ang totoo mahal kita kaya titiisin ko na lang." Nginitian nya ko. "Balang araw, maghihilom ang puso ko. Alam ko darating rin yung panahon na wala na kong mararamdaman para sayo."
Niyakap ko sya ng mahigpit. "Thank you, Cassie. Anyone would be lucky to have you. You're such a good catch."
Nagpaiwan ako mag-isa sa chapel. Tiningnan ko yung krus sa altar. "Matagal na kitang tinakwil sa buhay ko!" Nanghihina akong napaluhod. "Pero nagmamakaawa ako sayo buhayin mo si Chloe!"
Pumasok ako sa room. Puting-puti ang paligid. Tanging yung kurtina at mga bulaklak lang sa vase ang nagbibigay rito ng kulay.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]