Author's Note: September. 18 ang birthday ng ating bidang si Allana Chloe! Yung gift nyong VOTE & COMMENT wag kalimutan! ;'> :p
__________________________________________________________
Chloe's POV
Halos hindi ako makasabay sa bilis ng mga pangyayari ngayong araw!
Pagmulat ng mga mata ko tila binati agad ako nung mga balloons sa itaas ng kama ko ng 'happy birthday'. Di ko mapigil yung excitement ko kaya nagtatakbo akong bumaba.
And, there.. I saw on the dining table, my real birthday presents..
"Mommy! Daddy!"
"HAPPY BIRTHDAY CHLOE!!"
Sinalubong namin ng yakap at halik ang isa't isa. Niyakap ko sila ng sobrang higpit, sobrang miss na miss ko sila. Gustong-gusto ko sabihin kung gaano ko sila kamahal at kung gaano ako kasaya, kaso pag nagsalita ako baka maiyak lang ako. Ayoko naman maging ma-drama ang birthday ko? Hehe
Masaya kaming kumakain ng breakfast. Nandon kami sa pwesto namin sa table tulad nung mga bata pa kami ni ate. Grabe. Nostalgic feels!!
Nag-drive kami papunta sa simbahan. Dahil special day ko naman nag dress ako ngayon. Bahahaha!
"Anong pinagpipray mo baby sis? tanong ni ate Cassie.
Binalik ko yung tingin ko kay Jesus sa may altar. Nakangiti lang ako. "Nagpapasalamat lang ako, kasi kumpleto tayo ngayon. Once is a blue moon lang kaya yun!!"
Dumiretso kami sa isang hotel, dito raw yung venue ng party ko. Si ate Cassie super busy sa pag aasikaso ng lahat. Me? Go with the flow lungs~
"You're so pretty, Chloe."
Pinuri nila akong lahat matapos akong ayusan. I just smiled.
I never pictured myself with all this make up while wearing a glittery pink ball gown. May mini crown pa ko sa hair ko. Masarap rin pala i-enjoy yung perks ng pagiging 'girl' minsan. ;>
Napako yung mga paa ko pagkadating ko sa may garden. Akala ko, it would just be a typical cocktail party. Pero hindi..
I'm like a princess in a fairytale!
Hindi ako makaalis sa kinatatayuan ko dahil masyado akong natuwa sa iba't-ibang kulay na nakikita ko.
May mala-princess throne na upuan sa gitna ng stage na napapagaliran na sandamakmak na mga gifts! May rainbow background rin na nanggagaling sa projector na nakatutok sa stage.
Agaw-pansin rin yung colorful tower cake! Irregular ang layering nito at may mga nakatusok pang candy stars.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]