Chloe's POV
"Listen! Grade 10 A1!" Kinalampag ni Mrs. Dumidilaw yung table. "We are preparing for GEU's accreditation as an international school. Teachers from Grade 7 to Grade 10 have a major faculty meeting this morning. Classes will resume at 1pm."
Napatingin ako sa orasan. 10am pa lang ah? Tatlong oras kaming vacant??
"Ayos! Laro tayong Galleria?" aya sakin ni Ella. "Arcade tayo!"
Nag-vibrate yung phone ko.
Head Quarters. Now.
-Ryker
Head Quarters? Iyong Narra tree kung saan kami nagtututor ba yung tinutukoy nya?
Napakagat ako ng labi. Paano ba 'to? =_+
"Besh.. May pupuntahan kasi ako.."
"Saan? Sama ko!"
Napahinga ako ng malalim. Ang dami ko ng pinaglilihiman.. Si Kyle, si Ella.. At higit sa lahat si ate Cassie.
"Hoy Chloe. May kabit ka ba?"
Nanlaki yung mga mata ko sa tanong ni Ella. "ANO?!"
"Tinawagan ako ni Cassie nung isang gabi, tinatanong nya kung kasama kita eh di sabi ko hindi. Imposible rin namang kasama mo si Kyle kasi nga iniwanan mo sya, diba?"
"P-paano mo nalaman??"
"Kinuwento sakin ni Kyle."
Aish!! May pagkamadaldal rin talaga yung si Palma!
Humalukipkip si Ella. "So, sinong kasama mo nung Saturday? And now, sinong katagpo mo? Iisang tao lang ba yon huh?"
Grabe lakas manggisa nitong best friend ko! >_< Ni hindi nga namin maamin ni Ryker kung ano kami sa isa't isa. Yun pa kayang aminin na sya yung kasama ko last Saturday at kakatagpuin ko ngayon.
"A-ano kasi.."
Biglang nag sunod-sunod yung texts sa phone ko.
Are you really enjoying to make me wait all the time? Tss.
-Ryker
Where the hell are you?!
-Ryker
Halos mabasag na tong phone ko sa diin ng pagkakapindot ko sa keypad! Nakakagigil tong si Aguilar!
To: Ryker
Where the hell am I?? In HELL! Because of you my DEVIL!!
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]