Cassie's POV
Ang gulo ng buong condo. Puro kalat at basag yung mga gamit.
My heart broke nang makita ko si Ryker na nakasiksik sa sulok habang minamata at sinisigawan.
"Akala mo ba hindi ko matutunton tong lugar mo? Naka condo ka pa ha? Ang kapal ng mukha mo! Kayo ng malandi mong nanay!"
Napahakbang ako. "Tamara.. Please. Tama na."
Nilingon nya ko sabay singhal. "I don't talk to strangers."
Binalik nito ang atensyon kay Ryker kaya agad akong humarang. Hindi madepensahan ni Ryker ang sarili nya, nanghihina ito pag dating sa pamilya nya.
"You know Tamara! Trespassing ka! Bibilang ako hanggang tatlo.. Kapag di ka pa umalis.." Kinuha ko yung cellphone ko. "Tatawag ako ng pulis!"
"1!"
Napabuntong-hininga si Tamara na para bang hindi makapaniwala. Halos manlaki yung butas ng ilong nya sa inis.
"2!"
Akala ba nya nagbibiro ako? Dinial ko yung number non security nitong condominium. Nginitian ko sya. "Ringing!"
Dinampot nito yung bag nya. Naningkit yung mga mata nya sakin. "Hindi pa tayo tapos--" Bumaba yung tingin nya kay Ryker. "Half-brother."
Pagkasara ng pinto biglang bumagsak ang emosyon ko. Tumakbo ako payakap kay Ryker.
Nag-angat sya ng tingin sakin mula sa pagkakayuko. Umaagos ang luha sa mata nya. "Cassie.." Niyakap nya ko ng mahigpit. Nangangatal si Ryker. Napapikit ako ng madiin. Kung pwede ko lang hatian si Ryker sa sakit na dinadala nya.. Ryker may look strong but he's a one broken man.
Hinayaan ko na lang muna si Ryker matulog at magpahinga. Pinainom ko na rin sya nung gamot nya. Sobrang na-drain yung energy nya don sa bruha nyang kapatid!! Grr!
Bihira lang mag-kwento si Ryker tungkol sa family nya. Ayaw nga nya pag-usapan eh kaso mapilit po ako. As far as I know.. Love child si Ryker non daddy nila sa secretary nito.
Hays. Gets ko naman ang ipinagpuputok ng butchi ni Tamara. But still! Inosente si Ryker sa kasalanan ng mga magulang nya. Patay na nga yung mommy ni Ryker kaya namumuhay sya mag-isa. Nanahimik si Ryker dito tapos susugurin nila at iiwanang wasak na wasak! Ang sama nila!!
Ang sakit sa puso isipin na nagkaron ng depression at suicidal tendencies si Ryker dahil mismo sa pamilya nya. Pakiramdam nya mag-isa sya sa mundo. Yung kahit anong lakas ng iyak nya, walang nagpapatahan sa kanya.
Buti na lang dumating ako sa life ni Ryker! Promise baby loves mamahalin kita ng buong-buo at hindi kita iiwan forever!
Napanguso ako nun makita ko kung gaano nga kadumi yung condo. Gosh ha! Over magwala yon si Tamara! Parang wild animal na nakalabas sa zoo! Tinawagan ko yung cleaning lady para magpalinis. Nagpadeliver na rin ako ng pasta and pizza para may food kami later.
Naglakad ako sa kitchen para ilagay yung mud pie na ginawa ko sa fridge. May nakita akong panyo sa ibabaw ng counter. May ganito si Chloe ah? Nangunot yung noo ko. Impossible na pumunta sya dito no! For sure kay Tamara 'to. Hmp! Tinapon ko nga sa basurahan. Basura kasi yun may-ari.
Tumabi ako kay Ryker sa bed. Ang gwapo gwapo lalo nya pag tulog. Ang sarap nyang i-kiss! Hihi. Minsan hindi pa rin ako makapaniwala na boyfriend ko na sya. Buong junior years kaya wala akong ginawa kundi habulin sya...
"Why do you keep on following me?"
I gave Ryker one sweet smile. Nag heart shape ako tapos sinilip ko sya. "Sabi kasi ng parents ko.. FOLLOW YOUR DREAMS!"
Napailing lang si Ryker. Patalon-talon pa rin ako habang sinusundan sya. Nasaan na ba kami? Ah! Sa gitna ng field sa may grandstand! Walking walking~
Muntik na kong matisod ng bigla syang humarap sakin. O.O
"WHY ME??"
Magkadabuhol-buhol yung dila ko sa dami ng gusto kong sabihin kung bakit ko sya nagustuhan!
"Super gwapo mo! Genius! Athletic pa! So why not you!!"
"Really?" Napaisip pa si Ryker na para bang hindi nya alam na madami syang magandang katangian. Nag-shrug sya. "People say.. I'm arrogant, weird and I can be a jerk at times. So? Do you still want me?"
"I WANT YOU SOO MUCH! EVERY TEENIE TINY DETAIL ABOUT YOU! WALANG ITATAPON!"
Tumawa si Ryker. My gosh! Napatawa ko si Ryker Aguilar!! I deserve an award!!
Tiningnan nya kong mabuti. "Sige.. Sabi mo yan ha.."
Napalunok ako. Tatalon na yung puso ko palabas ng dibdib ko. SIGE daw!? OH MY GOD. Magbubunga na ba ang ilang taon kong pagsistalk at pangungulit kay Ryker??? I can't breathe anymore! Mahihimatay na ko!!
"Cassie.." Pinatong ni Ryker yung kamay nya sa ulo ko. Tinitigan nya ko sa mata. My heart melted when he smiled. "I'M NOW YOURS.."
Agad ko syang niyakap ng mahigpit. Hindi ako nanaginip! Totoo 'to!! Napasigaw ako sa saya! Nagtatalon at nagtititili ako habang nakayakap sa kanya! "I love you! I love you! I love you! I love you! I love you!"
Tawang-tawa lang si Ryker sa kalukahan ko. I'm crazy inlove! Niyakap rin ako ni Ryker saka biglang nag-smack sa labi ko. "I love you too."
Pumunta yata lahat ng dugo sa mukha ko. Literal akong na-stroke sa kilig.
I giggled remembering our story! Medyo nag-move si Ryker kaya ginamit ko ang chance para yumakap sa kanya. "I love you so much Ryker.."
___________________________________________________________
Author's Note: Sooo! Ayun hindi nahuli! Next chappy ko na lang isusulat kung paano nakaalis si Chloe. Mehehe
For now! Any reactions?? VOTE and COMMENT na! :o)
Heto naman ang tatanungin ko.. Sino ang mas gusto nyo for Ryker? Cassie or Chloe??
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]