12 ♥ Whispers

6.7K 171 14
                                    


Author's Note: Dedicated kay Reese Ellison! Maraming salamat sa astig na trailer ng MSB! XD

Heto na! Ryker and Chloe alone in one room. O.O OMG!

________________________________________________________


Chloe's POV


Sobrang tahimik sa loob ng music room. Ngunit sa loob ng sistema ko ang ingay-ingay! Parang nagkakagulo lahat ng vital organs ko!


Siguro mga 15 minutes na rin kami dito na walang kibuan, walang imikan. Pero feeling ko may atomic bomb sa heart ko na sasabog anytime 'pag nagsalita si Ryker.


Pinikit ko ng madiin yung mga mata ko at nanatiling nakaubob sa isang sulok.


I wet and bit my lips. Hindi ako mapakali. Gusto kong kausapin si Ryker.. Gusto kong marinig ulit yung boses nya.. Gusto kong magkabati na kami..


Nag-angat ako ng tingin sa kanya. Huminto yung tibok ng puso ko ng makitang nakatingin sya sakin. Ngayon ko lang napagmasdan yung buong mukha ni Ryker. Sobrang gwapo pala nya o gawa lang yun nung dilaw na ilaw nitong kwarto?


Isa lang yung sigurado ko, habang tumatagal lalo akong nahihirapang huminga. I felt suffocated by the space between us. And, it's making my heart beat abnormally.


Biglang tumayo si Ryker. Naupo sya dun sa may piano.


"Marunong ka ba mag piano?"


"H-ha?"


Tiningnan nya ko. Bahagya syang ngumiti, napangiti rin talaga ko. 'Yun lang yung sinabi nya, pero nabura lahat nung grudges sa puso ko.


Lumakad ako palapit sa kanya. Umiling ako bilang sagot.


Tinap nya yung space sa tabi nya. "Tutugtugan kita."


Napakagat ako ng labi. Bakit ba ang lakas na ng impact ni Ryker sakin? Dahan-dahan akong umupo sa tabi nya. Ang tindi nung friction sa pagitan ng mga damit namin. Pinagpapawisan na ako ng malagkit.


Nagsimula syang tumugtog. Nagpatulala na lang ako sa kanya 'non kumanta rin sya.


I, believe

Na ikaw lang at ako

Kung kaya't tayo ay pinagtagpo ♪♫


Ramdam na ramdam ko yung kanta sa bawat tipa ni Ryker nung mga daliri nya sa piano. Ibang-iba sya ngayon, malayo dun sa matigas at malakas na Ryker na kilala ko. He seems so vulnerable right now.


Ang sarap lang nyang tingnan. Tila hinihele nya ko. Yung puso ko parang may binubulong, pero hindi ko madinig. Basta nakangiti lang ako ngayon. Paminsan-minsan sumusulyap sakin si Ryker hanggang sa sinabayan ko na rin sya sa pagkanta.

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon