Cassie's POV
You made a really deep cut
And, baby, now we got bad blood~♪♫
Pinatay ko yung tawag nina Hershey at Scarlett. Umalis ako sa GEU kahit school fair ngayon. Wala rin akong pakielam kahit guest band pa mamaya yung sikat na bandang Rhythm Knights.
Hindi ko kaya makita si Ryker habang kinakantahan ni Chloe sa stage. Yung ngiti at saya ni Ryker? Ang sakit-sakit sakin kasi kahit anong gawin ko kahit kailan hindi sya naging ganun kasaya sa piling ko!
I poured the vodka straight up to my glass. Buti may nahanap akong bar na bukas na kahit umaga pa. Kundi mababaliw na ko pag di pa ko nakainom. Truth is.. People don't drink to forget, they drink to remember.
"Ryker!"
"Ano bang tingin mo sakin sinasapian ng masamang espiritu?" Dinuro nito yung simbahan. "Ipapapray over mo ko?!?"
"Hindi naman sa ganun.. Ang akin lang kasi.. Mas okay kung masishare mo yung problema mo--"
"Tangina Cassie! Hindi ako para mamalimos ng awa nila!" Naningkit yung mga mata nya sakin. "Hindi rin naman nila talaga ko tunay na maiintindihan.. Ano? Sasabihin nila.. 'God Loves You'?!"
Pinandilatan at binulyawan nya ko. "Kung mahal ako ng Diyos sana hindi nya ginagago ang buhay ko!!"
Akala ko ba Ryker introvert ka? Eh bat ka nakikipaglambingan ka kay Chloe sa taas ng stage sa harap ng maraming tao?? Akala ko Ryker may depression ka? Ano na-reverse na agad ni Chloe iyon?? Why is everything soo easy for Chloe! Ang unfair naman eh!
"Ano na naman 'to? Last week dinala mo ko sa simbahan.. Ngayon naman sa Psychiatrist? Ano ba talagang tingin mo sakin Cassie.. BALIW?!"
Hinawakan ko yung mga kamay nya sabay iling ko. "Ryker, hindi.." Napakagat ako ng labi. "Diba sabi ko sayo.. I want every teenie tiny detail about you.." I smiled. "Kasama 'to don."
Kumalma si Ryker at nanatiling nakatingin sakin.
"Sige po.. Hindi kita pipilitin kung ayaw mo o kung di ka pa handa--"
Naramdaman ko ang labi ni Ryker sa labi ko. Nginitan nya ko bago sya pumasok ng clinic.
Kasabay ng bawat lagok ko ng alak ay ang pagbagsak ng luha sa mga mata ko. Pakiramdam ko namamaga na yung puso ko.
Pinapasok ako ni Dra. Lascañas sa clinic habang si Ryker naman ang naghintay sakin sa waiting area.
"How are you related to Mr. Ryker Aguilar?"
"Girlfriend po!" Nag peace sign ako. "Soon to be wife!"
Natawa pa si Dra. Lascañas. Pinaliwanag nya sakin yung assessment at case ni Ryker.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]