30 ♥ Moment Of Truth

5.8K 132 19
                                    


Chloe's POV


Ni-wrestling ko sa kama yung dambuhala kong bear! "HOY CHLOKER!" Kinausap ko ito at nilabas yung galit ko kay Ryker! "Bakit hindi ako pinansin non devil na yun ha! Ang lungkot lungkot ko nun! Dapat yakapin nya ko at i-comfort pero tiningnan at nilagpasan nya lang ako!!" Pinagsusuntok ko si Chloker! "Nakakainis ka talaga Ryker Aguilar!" Nagsisigaw ako sabay pedigree, batista bomb at F5 sa bear ko!


Humiga ako kay Chloker. Mukha akong sabog. Tinitigan ko yung text ni Ryker kahapon.


"We need to talk. May sasabihin akong importante sayo."


Anong sasabihin nya?? Na ayaw nya na sakin? Hindi na nya ipaglalaban ang pagmamahalan namin? Susuko na lang sya?


Napapikit ako ng madiin at napahinga ng malalim. Imbes na mag-isip ako ng kung anu-ano eh harapin ko na lang sya. "Fight Chloe! Hindi kita uurungan Ryker!"


Kinuha ko yung box na pinaglalagyan ko lahat ng binigay sakin ni Ryker. Natutuwa ako na naiiyak habang nagkakalkal.


Binuklat ko yung notebook na bigay ni Ryker nung tutorial namin. Namumula sa correction ng red ballpen, may mga star stickers rin. Napaka strikto nyang tutor halos patayin ka nya pag nagkamali ka ng sagot! Tiningnan ko yung picture namin sa Magic Kingdom. Best date night ever! Yung kaba ko nung nagmamadali ako at yung saya ko nung makita ko si Ryker.. Dun ko unang na-realize na mahal ko na sya. Binuksan ko yung box nung pendant na regalo nya non birthday ko. Iniangat ko ito sa kamay ko. Halo? Angel? Ngayon ko lang naalala hindi pala sinabi ni Ryker kung bakit ito yung napili nyang design. Ano nga kayang dahilan?


Narinig kong may bumusina na sasakyan at nagbukas yung gate namin. Sumilip ako sa bintana. Nanlaki yung mga mata ko. "Mommy!"




Cassie's POV


Our mommy Chandria is going to stay here for today. We're just going to have lunch then may important meeting sya later sa Glitter. Inaayos kasi nila yung partnership ng company namin sa New York.


It looks like sa daming ng ginagawa at inaasikaso ng parents namin hindi pa nila nababasa yung e-mail ng principal namin about sa nangyari sa cultural hall.


I need to find a way to delete that letter! Then, I'll just pay someone na magpanggap na guardian ko para makipagusap kay Principal Makulay! So bright mo talaga Cassie~


"Do you expect to get away with everything that you want?"


Yes Ryker! I would get everything that I want! Papatunayan ko yan sayo!


Four months na lang.. Graduate na kami ni Ryker. Sasabihin ko kay mommy na gusto ko sa America mag-aral ng college! Pipilitin ko si Ryker sumama sakin by hook or by crook! The two of us can live together and start over.


"Mahal ko si Chloe! Mahal na mahal ko sya!"


My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon