Chloe's POV
"Kyle!"
Tumakbo ako at hinila yung braso nya paharap sa akin. Tiningnan nya ko na para akong isang nakakadiring bagay. Ngunit ang masakit ay yung sinabi nya. "Sino ka? Hindi kita kilala."
Sino ka? Hindi kita kilala.
Napabitaw ako. Halos matumba ako dito sa kinatatayuan ko.
Isa-isang nag-flashback sakin yung mga alaala namin.. Simula nung unang beses ko syang nakita sa canteen.. Yung nagkakilala kami dahil muntik na kong mabangga ng motor nya.. Yung pinakilala nya ko sa pamilya nya.. Yung nag-iloveyou sya sa gitna ng ere sa zipline.. Yung hinarana nya ko sa harap ng buong school.. Hanggang sa yung makita ko syang nakatayo sa likod ng hall habang pinapanood yung video—
"Kyle!"
Inipon ko lahat ng enerhiya ko at hinabol ulit sya.
Pumunta ako sa harapan nya. Naramdaman ko ang pagbigat ng mga mata ko. Pero nilaksan ko yung loob ko at itinuwid yung salita ko. I extended my hand. "Ako nga pala si Allana Chloe Mendez." Unti-unti ng nanikip yung dibdib ko at kumawala na ang luha sa mga mata ko. "And.. I'm sorry.."
Tiningnan lang nya yung kamay ko. His eyes were expressionless.
Makalipas ang ilang segundo nagsalita sya. "Sorry? Pagkatapos ng sorry, ano? Maibabalik mo ba yung puso ko?"
That hit me hard. And it really breaks my heart.
"Binigay ko sayo yung 100% ko, Chloe. Higit pa nga eh." Napaangat yung tingin ko sa kanya. "Pero wala pa lang halaga sayo yon lahat.."
Umiling ako. "Kyle.. Hindi yan totoo.."
"Totoo?" He smiled, an ironic smile. "Sige nga.. Ano ba yung TOTOO?"
Bakit ganun.. Hindi nya ko minumura.. Hindi nya ko sinisigawan.. Pero bakit ang sakit-sakit..
He looked into my eyes. "Did you ever love me?"
Gusto ko sapukin yung sarili ko. Kasi kahit ako, hindi ko alam yung sagot.
Suminghal si Kyle. "Bakit ko pa nga ba tinatanong yun.. Obvious namang ginamit mo lang ako para mapagtakpan yang nararamdaman mo." He laughed bitterly. "Alam mo? Sana naging masama na lang din pala yung trato ko sayo baka sakaling minahal mo ko."
Napaupo na lang ako habang tinatanaw ang likod ni Kyle papalayo sakin.. Papaalis sa buhay ko..
Naramdaman ko ang paghagod ni Ella sa likod ko. "Chloe.. Tama na.."
Ang labo-labo na ng paningin ko. Basang-basa na yung pisngi ko.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]