Chloe's POV
Dinala ako nitong mga kidnappers sa isang abandonadong ware house. Tinali nila ang mga kamay ko. Nanlalabo ang paningin ko at makirot rin ang pisngi ko nang sapakin nila ako nung manlaban ako.
"Chloe!!"
Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung sino yung nakagapos sa sulok! "Ate Cassie!"
"Anong ginawa nyo sa kapatid ko?!" Nanggigil ako. "Bakit nyo ba ginagawa samin 'to! Ano bang kasalan namin sa inyo!"
"KAYO WALA. PERO ANG MGA MAGULANG NYO MERON."
Nangilabot ako ng magsalita yung isang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali eh mukhang sya ang lider at promotor ng lahat ng 'to. Iyong nagnakaw ng pera sa kumpanya para sa bone marrow transplant ng anak nya.
"Mukhang tiba-tiba tayo dito sa mga 'to boss ahh!" Hinila at inamoy nung maitim na kidnapper yung buhok ko. "Amoy mayaman!"
At nagtawanan silang tatlo na parang mga dimonyo.
Cassie's POV
Nakakatulala lang kaming dalawa sa dingding at kisame. Hindi alam kung anong kahihinatnan namin.
"Anong pakiramdam Chloe?"
"Ate.. A-Anong ibig mong sabihin.."
Ngumiti ako ng mapait. "Anong pakiramdam ng mahalin ng sobra-sobra ni Ryker?"
"Yung mga panahon ng lugmok si Ryker.. Yung walang nakakaintindi sa kanya.. Yung nag-iisa sya sa mundo.. Ako yung nandun para sa kanya!" Napapikit ako ng madiin kasabay ang pagtulo ng mga luha sa mata ko. "Isang bagay lang naman yung ginawa mo! Pero kahit anong effort at pagmamahal ko hindi ko na matatapatan ang pagliligtas mo ng buhay nya!" Humarap ako kay Chloe. "Kaya ako nagagalit ng sobra sayo! Napakadaya mo eh.."
Truth is.. Nakakalito ang concept ng pagmamahal. Some people say.. When you love someone you become selfish and would want that person just for yourself. While others say.. When you love someone you become selfless and would just wish the best for that person even if it would compromise your own happiness. Nasaan ba ko sa dalawang yun? Anong klase akong girlfriend? Hindi ko alam kung bakit ako humahagulgol ng iyak. I'm so frustrated kasi nagmamahal lang naman ako pero pakiramdam ko napakasama ko para hadlangan ang dalawang taong tunay na nagmamahalan.
Hindi ko nakita na.. I'm breaking two hearts just to piece mine back.
"Mahal na mahal na mahal ko si Ryker. Wala akong ibang ginusto kundi sumaya sya." Nanliliit na yung boses ko. "Ang sakit lang kasi tanggapin sakin na hindi ako yung kasiyahan nya!"
Bumubuhos na rin yung luha ni Chloe. Sa basag ng hikbi nya ramdam na ramdam ko yung sakit at hirap nya.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]