20 ♥ Because I'm A Girl

6.3K 129 21
                                    


Chloe's POV


Pagkarating ko ng school agad akong sinalubong nina Kyle at Ella.


"Mendez!" Pinatong ni Kyle yung mga kamay nya sa balikat ko. "Ayos na ba yung tiyan mo? Nakainom ka na ba ng gamot?"


Nangunot yung mukha ko sa mga tanong nya. "H-ha?"


"Sabi ni Ella sira daw yung tiyan mo kaya ka umuwi. Okay ka na ba?"


Napatingin ako kay Ella. Nakamungot sya sakin pero pinagtakpan pa rin nya ko. Labyu besh!!


"Ah oo! Oatmeal kasi breakfast ko ayun di gusto ng tiyan ko."


And the best actress award goes to Allana Chloe Mendez!


"I see." Kinurot ni Kyle yung ilong ko. "Rice ka kasi talaga dapat no!" biro nya.


"TABI NGA! MGA PAHARANG-HARANG!" Ang laki-laki nung space sa gitna pa talaga namin dumaan si Ryker!


"Problema non?" si Kyle. "Naghahanap na naman yun ng away!"


"Baby loves!" Sobra namang makadamba si ate Cassie kay Ryker. Akala mo isang siglong hindi nagkita.


"Where have you been baby loves? I was calling you then biglang out of the coverage na yung phone mo!!"


Napahilot ng batok si Ryker. "I went back to my condo. Three hours yung free cut, diba? So, I slept."


Parehas pala kami ni Ryker dapat ma-nominate sa Oscars eh.


"You're always so sleepy!!" Hinawakan ni ate Cassie yung mga kamay ni Ryker. "Did you dream about me?" She bit her lip and naughtily smiled. "We. Us. On your.. Bed."


Excuse me?? Ano raw?! Alam ko di na sila minor! But geez! Ginagawa na kaya nila YON? O.O


Ngumisi si Ryker sabay tulak ng daliri sa noo ni ate Cassie. "Pervert!"


Napabuga ako ng hangin. Gustong-gusto rin naman ng Aguilar nato! Gago sya! Akala ko ba gusto nya ko?? May pa-fight for us pa syang nalalaman! Wala rin pala pag tinamaan na ng kalibugan! Tangina nya!!!


Sa sobrang gigil hindi ako makatingin sa kanilang dalawa. Malakas pa man din imagination ko! Nakita ko yung censored nilang eksena sa utak ko! Sabay silang naglakad pabalik sa building nila. Nag-iinit yung dibdib ko. Tila sinusunog yung puso ko. Hindi ko alam kung nagbibiruan lang ba sila o inaasar lang ako ni Ryker! Pero naiiyak na ko. Gusto kong hilahin si ate Cassie palayo at itali sya sa puno!


Gusto kong angkinin si Ryker. Gusto ko kami lang ang gumawa ng bagay na yon—sa tamang panahon.


"Chloe?"


Nagpaalam samin si Kyle na mag-lunch kasama yung mga classmates nya. Di na ko sumama dahil busog pa naman ako or more likely wala akong gana.

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon