5 ♥ Chocolate Truffles

8K 186 22
                                    


Chloe's POV


Dumating na rin ang BIG DAY. Syempre naman ginalingan ko sa lahat ng exams ko. Last schedule namin ang Math. Nag sign of the cross muna ko bago humawak ng ballpen at nag-sagot. 'Lord pls nag-aral naman po akong mabuti. Kayo na po ang bahala sakin.


Habang nagsasagot ako parang naririnig ko yung boses ni Ryker sa utak ko. Para bang andyan sya sa tabi ko, sinisigawan at tinuturuan ako.


'Dali na! Focus!' Natatawa ko kapag naalala ko kung paano lumaki ang butas ng ilong nya at kumunot yung noo nya kapag hindi ko ma-gets yung lesson. Napaka strikto nyang tutor. Worried ata yun sa reputasyon nya na kapag hindi ako pumasa, means hindi sya effective.


Pagkapasa ko ng papel ay chinekan kagad ni Mrs. Pumupula yung test paper. Ayaw kasi nyang natatambakan ng mga gawain. Medyo ninenerbyos pa ko, baka next week wala na ko sa science curriculum. Fota.


"Good work Ms. Mendez!"


"Ta-talaga po mam?"


"Yes. You scored 95 out of 100."



Sa sobrang saya ko, hawak-hawak ko yung test paper ko at hinanap ko si Ryker. Halos maikot ko na yung buong building nila pero wala sya. Ah alam ko na sya kung saan ko sya makikita!


Tumakbo ako papunta dun sa magubat na part nitong school.


"Looking for me?"


Napatingala ako sa boses na iyon. Nakahiga si Ryker dun sa itaas ng puno. Buti hindi sya nahuhulog, sabagay matibay naman iyong Narra tree.


Tumalon sya pababa. My heart skipped a beat nung nasa harapan ko na sya. Tatlong pulgada na lang ata ang pagitan namin.


"Anong ginagawa mo dito?" si Ryker.


Winagayway ko yung test paper ko sa mukha nya. Nagtatalon ako sa harapan nya sa sobrang tuwa.


"Ano ba yan?" Naiirita na sya sakin. "Umayos ka nga!"


Tumalon-talon pa rin ako. Wala akong pakielam sa sinasabi nya.


"Pumasa ko Ryker! Pumasa ko!" Talon pa rin ako ng talon. "Nasa science curriculum pa din ako!"


Kinuha nya yung test paper ko at tinitigan yung score ko. NGUMITI SYA! First time ko lang nakitang ngumiti si Ryker. Yung genuine na ngiti! Yung ngiting masaya, hindi yung nangaasar at nagyayabang lang. Bagay rin pala sa kanya eh!


May kinuha si Ryker sa bag nya.


"Here!"


Inabot ko yung red box na binigay nya. "Ano 'to?"


My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon