Author's Note: Pressured na ako kay na Chloe at Ryker! Wahahaha. Dito muna tayo kay Ella at Ian! Hehehe. Promise mag e-enjoy kayo!!! =) XD
VOTE & COMMENT! :>>>
___________________________________________________________
Ella's POV
Payapa akong nakahilata sa sofa habang nanunuod ng HunterXHunter. Oh my god! Napaka astig ng Genei Ryodan!! Gusto kong maging member!!
Na-stress rin ako sa birthday ni Chloe kagabi. Kundangan ba namang pinilit ako ni Cassie mag-dress! Nakakarumi! Kung di ko lang sya nasuntok sa braso nun, kaya napilitan ako mag sorry at bumawi sa kanya. Hays. Idagdag mo pa yung walang tigil na tunog ng cellphone ko dahil sa texts at calls ng boy labo na yon! Nakakasurang tunay!!
May nag doorbell sa gate. Si tatay na yung nagbukas dahil naroon na rin naman sya sa labas nag car wash.
"Ella, anak! May bisita ka!"
Napabangon ako. Oh, sino naman buysita yun?! Namamahinga yung tao eh.
Narinig ko pang nagtatanong si tatay bago sila pumasok ng bahay. "Ano nga bang pangalan mo, hijo?"
Gumuho ang mundo ko.
"Ian po."
Pinaupo ni tatay si Ian sa sofa. Tumayo agad ako, ayoko ngang tumabi sa nerd na 'to! Susko po. Paano kaya nya nalaman yung address namin?! Ang lakas maka stalker!!
Bumulong sakin si tatay. "Anak, kaibigan mo raw sya. Akala ko pa man din manliligaw mo. Sayang. Matutuwa na sana ko, konting extra rice--"
"Tatay!!"
Exit mode naman kagad si tatay. And, what?! MANLILIGAW?? Bukod sa mga kapatid ko at kay tatay never pa akong nagkaroon ng close contact sa boys! Yuck ha. Magka-cooties pa ko!!
Pinatay ko muna yung tv. Ang pinakamamahal kong Chrollo Lucilfer! We'll see each other again. </3 May istorbo lang kasing dumating!
Tiningnan ko ng masama si boy labo.
"Hoy nerd! Kapal ng apog mong pumunta dito sa bahay namin!" Nakapamewang kong sabi. "Paano mo nalaman kung saan ako nakatira ha?? Stalker ka!!"
Feeling ko talaga si Chloe ang source of information nitong si Ian eh!! Bruha na yon!!
"H-hindi ka kasi nagrereply sa mga messages ko. G-gusto kitang makita."
Natigilan ako. May naramdaman akong kakaiba sa tiyan ko. Para akong natatae. Nakakatae tong si Ian!
Napansin kong may dala pala syang chocolate cake at white roses.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]