7 ♥ Paint My Love

7.9K 168 16
                                    

Author's Note: Juice ko ha! Nahirapan ako sa POV ni Cassie, medyo bulag kasi sa pag-ibig ang ate nyo. Mwuahaha! So ayan, sa mga nagrirequest ng Cassie-Ryker moment ayan na po! Enjoy~ :)

Vote & Comment my dears! ;>>

____________________________________________________________


Cassie's POV


"OH MY GEE!"


Kinusot-kusot ko yung mata ko. Tinitigan ko yung text ni Ryker.


Happy 10th month, Cassie. I'll see you at 5pm.


Totoo!!


Gosh. Wala naman ginawa sakin si Ryker pero yung effect nya super! Isang text lang nya, nagbavibrate talaga yung puso ko!!


May text na naman yung phone ko! Mahihimatay na yata ako!!


And, wear something comfortable.


Naka dalawang text sya sakin in less than a minute?!? O to the M to the G! Ano kayang nakain nung boyfriend ko? May sakit kaya si Ryker??


Kasi naman, you know! Sa ten months naming relationship, ako palagi ang nangungulit ng date kay Ryker my baby loves! Ako yung nagtetext, ako yung tumatawag! Halos ako na nga ang manligaw sa kanya nun eh!


Super duper gwapo naman kasi ni boyfie! Matangkad at maputi sya. Asset talaga nito yung mapungay nyang mga mata! Ang slinky rin nung medyo kulot nyang buhok. Grabe. Heart dropping!! Kaya ang daming malalanding froglets na nagkakagusto sa kanya! *eye roll + hair flip* Sorry na lang sila dahil ako ang nagwagi! Mwahaha!


Napatingin ako sa clock. Oh my gee! I need to prepare na! Baka ma-late pa ko sa monthsary date namin ni baby loves~!





Ryker's POV


Sinalin ko yung freshly brewed coffee sa mug ko. I took a zip, just perfectly fine! Kung may bagay man akong hilig ayun ay matulog at uminom ng kape. Contradicting, right? Nevertheless, coffee is the only thing that keeps me awake and alive. Since, then.


Yung pagbabasketball, exercise ko lang yon. Minsan nagpapiano rin ako kapag gusto ko ma-relax. Pero madalas kape lang, sapat na. I love anything with coffee. Caffein is food for the soul.


Umupo ako sa kama at pinindot yung tumutunog kong phone.


HAPPY MONTHSARY BABY LOVES~ ;*


Napailing na lang ako. Nilagay kasi ni Cassie sa calendar reminders yung monthsary namin. Kaya every 24th of the month may pop-up na ganyan. Di ko alam kung matatawa o maiinis ako sa kanya, pinakielaman na naman nya yung phone ko. Tsk! Kahit anong palit ko ng lock code, nahuhulaan pa rin nya. Tss.

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon