Ryker's POV
Sakto sa usapang oras ako dumating sa Magic Kingdom. I parked my car near the entrance. It's already 5pm but still there's no sign of Chloe.
Lumabas ako ng kotse. Napasinghal na lang ako. "Ang lakas ng loob nyang 'pag hintayin ako." Naglakad-lakad muna ako. "Five minutes na lang talaga aalis na ko."
I sighed and laughed sarcastically to myself. Sa dinami-dami ng babae ng mundo.. Bakit kailangan maging kapatid pa sya ng girlfriend ko?
I knew I'll be forever grateful to her. But through the years, I was subconsciously falling for her. Lalo na nung nakita ko na ulit sya, nung natitigan ko yung mukha nya—Nag materialize lahat.
Sinubukan kong pigilan yung nararamdaman ko para kay Cassie. Ginawa ko lahat ng pwede kong gawin! Tangina. Naging masama na nga ang trato ko kay Chloe, hindi ko sya pinagpapansin. Kaso hindi ko na malabanan yung puso ko.
Chloe is very special to me, even before Cassie came. She's my angel in disguise.
Kyle's POV
"Hi Kyle & Chloe! So, brief ko lang kayo about sa Break-Out. Bali we have a total of 13 rooms. In 100 minutes you have to find keys, solve problems and run from zombies to Break-Out! Got it?"
Nakita ko yung mga pictures sa site nila tipong iba't ibang arc ng The Walking Dead yung ambiance sa loob. Astig eh. Excited na ko!!
"Ready, Mendez?" Napansin kong kanina pa sya tingin ng tingin sa relo nya. I pinched her cheeks. "Everything's good?"
Bigla nya kong niyakap. "Super sorry Kyle. I need to go.."
"H-ha?"
"May importante lang talaga akong kailangan puntahan.."
Gusto ko sanang mainis.. Gusto kong magalit.. Gusto ko syang tanungin kung sino o ano yung importanteng bagay na yun.. Na.. Mas importante sakin..
Pero mas pinili kong hindi na lang. Wala naman kasi akong karapatan. Ayoko rin malaman? Baka praning lang ako?
Pinilit kong ngumiti sabay gulo sa buhok ni Chloe. "Bumawi ka sakin ha?"
Ngumiti sya, yung ngiting hindi nya mabigay sakin kanina pa. "Oo naman Palma! Swear! Cross my heart!"
Kumaripas ng takbo si Chloe. Ni hindi ako makatingin sa nag a-assist dine. Nakakahiya! Iniwanan ako nung kasama ko. =_____=
Napamungot ako't naupo sa may hagdan. Tatambay na lang siguro ko dito kesa umuwi sa bahay baka malungkot lang ako.
Kinuha ko yung phone ko. Scroll lang ako ng scroll sa facebook pampalipas oras.
Nakita ko yung post ni Cassie sa feed ko.
Shop till you drop! - with Hershey & Scarlett at SM Megamall.
Pati yung tagged photos kay Ella nitong Ian?
Nerdy Boy & Gori Girl plus Potchie at Amazon ZOO.
So.. May kanya-kanyang lakad sina Cassie at Ella.. Sinong kasama ni Chloe?
Chloe's POV
Takbo lang ako ng takbo pababa ng building. Parang may mga nagpupukpukan na martilyo sa puso ko.
"See me on Saturday at 3pm if you want to fight for us."
Fight for us.
Hindi ko alam kung paano, hindi ko alam kung kailan pa.. Ngunit isang bagay lang ang sigurado ko.. May puwang na si Ryker sa puso ko.
Halos kalahating oras rin ako nakipagpatintero para makasakay ng taxi. Inabutan na ko ng traffic! Great just great! From Taguig to Quezon City at this time and day! Juice ko. Bakit ba kasi nasa magkabilang dulo ng mundo ang trip nina Ryker at Kyle? Goodluck to me!
"Sa Magic Kingdom ho tayo. Pakibilisan po."
Anak ng tokwa! Wala nga pala kaming number ni Ryker sa isa't isa! Paano ko masasabing hintayin nya ko? Paano ko malalaman kung nandun pa sya?
Muntik pa kong madapa kakamadali ng makarating ako. Pero wala akong Ryker na nadatnan.
Nanghihina akong napaupo. Dinadaan-daanan ako ng mga tao. I looked at my watch. 7:11pm na. Asa namang hintayin nya ko ng apat na oras!
*sniff*
Oh eh bakit ako inis na inis dito?? Gusto-gusto ko syang makita!! Kasalanan mo rin naman yan Chloe eh! Tapos ano?! Galit na naman si Ryker sayo. Di naman kayo magpapansinan sa school! Palagi na lang kayong ganyan!
*sniff*
Para akong bata na nagpapadyak at nagdadabog. "Nakakaasar ka talaga Ryker!!"
*sniff*
"So.. Iiyak ka na lang?"
Napatayo ako. Imposible! "R-ryker??"
Parang lumabo lahat ng bagay sa paligid. Si Ryker lang yung malinaw sa paningin ko.
He smirked. The Devil Aguilar Way.
And, this time.. Hindi na martilyo yung pumupukpok sa puso ko, MASO na.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]