16 ♥ Gori Girl

6.2K 138 13
                                    


Ella's POV


"Nasaan ba yung remote?"


Hawak ko yung dvd ng Gokusen, mag-marathon ako buong araw! Hehe. Kaya lang.. Hindi ko makita yung remote. Bwiset!


"Ella, anak.. Magbihis ka.."


"Bakit naman ho tay?"


Nakayuko pa rin ako at hinahanap yung remote sa mga drawers sa ilalim ng tv.


"May DATE kayo ni IAN."


Bigla akong napalingon. Kabute ba tong si Ian?? Kung saan-saan sumusulpot eh!


"Ano na namang ginagawa mo dito?! Hindi ka ba napapagod?!"


Nakangiti lang syang umiling sakin. Napasinghal ako.


"Hindi ako sasama sayo! Manunuod akong Gokusen!"


"Ella, tska ka na manuod nyan.." si tatay. "Magbihis ka na dahil may date kayo.."


Grabe. Ipinagdiinan pa talaga sakin. Tiningnan ko si tatay yung tipong what-the-hell-look.


Napakamot si tatay. "Ehh.. Napagusapan kasi namin ni Ian na makikipagdate ka sa kanya kapag natalo nya ko." Itinaas nito yung chess board na bitbit nya. "Checkmate, anak."


"GRABE NAMAN TATAY!! PINANGPUSTA NYO KO!!"


Binulungan pa ko ni tatay. "Eh anak, 'wag mo ko ipapahiya ha. You know.. I'm a man of my words!"


Hindi ako makapaniwala dito sa ama ako! Hindi ko nga alam yung deal na yon!


Huminga ako ng malalim.


"Sasama ako, sa isang kondisyon.."


Huh! Akala ba nitong si boy labo hahayaan ko lang sya sa mga tricks nyang i-close yung best friend at tatay ko? Utot mo nerd!


Tiningnan ko si kuya na nagtutuyo pa ng towel sa buhok. "Dapat kasama si kuya Luigi.."


"Ha? Ano ko, chaperon?! 'Wag na uy! Tska may dota pa kami ng barkada!"


"Uunahin mo pa ba talaga yang dota kesa sa kapatid mo!!"


"Oo naman! Wahahaha.."


Walanghya ka talaga kuya! TRIPLE KILL KA SANA!!


"Si Potchie na lang.." turo ni kuya. Pinalabas pa ni Potchie yung dimple nya. Nakakasura!!

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon