Ryker's POV
"Where do you think you're going?"
Nagitla pa si Chloe nang makita nya ko sa may building nila. I know she's going to ditch our tutorial lessons. How? Una, kung hindi ba naman madaldal yung Kyle na yon, eh kinuwento pa sa team na magbabike daw sila nung gusto nyang babae. Pangalawa, she just simply loathes me.
"Naligaw ka yata? Sa dulo pa yung building nyo ahh?"
I'm really insulted that she thinks I'm going to buy her lousy act.
"May tutorial sessions tayo."
"Uhm? May lakad kasi ako ngayon, eh. Pwede bang bukas na lang tayo mag-start?"
Seryoso ba sya?! Mas pipiliin pa nyang makipagdate dun sa baklang yon kaysa mag-review? First Quarterly Examinations na next week! Kung hindi nya ma-maintain yung average nya, matatanggal sya sa science curriculum!
"NO!" Hinawakan ko yung braso nya. Ang lambot at kinis nung kutis nya. Napatingin ako sa mukha ni Chloe, pinanlalakihan sya ng mata. Pareho kaming bumabagal ang paghinga. Binitawan ko agad sya. "You see, I'm doing you a favor here. Huwag mong aksayahin ang oras ko."
Napatungo sya. Siguro mga ilang segundo din bago sya nagsalita. "S-salamat nga pala hindi mo sinabi kay na mommy na mababa sa scores ko sa Math. K-kaya kailangan ko ng umattend ng tutorials lessons."
"Tss." Hinigit ko yung kamay nya. "Let's just get this over and done with.."
Nanlalaki yata yung butas ng ilong ko kapipigil ng ngiti kasi hindi sya umaalma. Magkahawak lang yung kamay namin habang hila-hila ko sya papunta sa secret place ko.
"Ryker! Ano ba yan. Nasa ibang dimension na yata tayo!"
Being Chloe she's always exaggerated and comical. Nasa medyo mapuno at mahalaman lang kaming part ng school. Hindi kasi ginagamit yung rooms dun sa building na malapit kaya hindi nadadaan yung mga tao dito.
"Dito ba yung tambayan mo?" tanong nya.
"Yeah. Tahimik kasi dito. Wala masyadong dumadaan na mga tao."
Ayoko ng maingay. Gusto ko yung lugar na ako lang. Tinatamad akong makihalubilo sa mga tao. Sumasakit ang utak ko sa mga kababawan at kabobohan nila. Simple lang naman yung social mantra ko. Nakikipagusap lang ako sa taong gusto ko kausap. Sumasama lang ako sa taong gusto ko kasama.
Hinubad ko yung bag ko. Nilingon ko si Chloe. "Bag mo?" Inabot nya ito sakin. Naglatag ako panyo sa ilalim nitong puno. "Sit here."
Natatawa ko kasi automatic ginagawa lang nya yung mga sinasabi ko. Akala ko matigas ang ulo nya at mahirap pasunurin, hindi naman pala masyado. Natakot ata na baka magsumbong ako sa parents nya about sa grades nya. Ha.
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]