Chloe's POV
Sinusian ko yung locker ko. Kinuha ko yung rubber shoes at nagpalit ako ng PE uniform.
Magpa-practice kami ni Ella ng volleyball sa gym. Gusto ko talaga mag qualify sa try-out. Kahit substitute o bench warmer lang ako sa intramurals, okay lang. Ang sarap kaya sa feeling na player ka at nakasuot ka nung jerseys. Nakakaproud.
Tinext ko si Kyle na sa gym na lang kami magkita, matatry-out sya sa basketball team. Halos buong magdamag kahapon magkatext kami. Kilig much!! Nagkaayaan rin kami mag-bike sa park after school.
Naglagay ako ng pulbo. Sinuklay ko yung buhok ko at nag-ipit ng pigtails. Ang banas kasi!
"BESH!!!"
"Ano?!" Nilingon ko si Ella, madaling-madali eh. Nagtatali pa ko nung sintas ko.
"Nagkakainitan sa gym! Sina KYLE at RYKER!"
"Whuat?! Bat hindi mo agad sinabi!!!"
Sinuot ko yung bag ko't tumakbo papunta sa gym! Nako! Ano naman kayang masamang binabalak ni devil ngayon?! Wag lang nyang kakantiin si cutie pie kung hindi kami ang maghaharap sa impyerno!
Ang dami ng tao pagkapasok namin. Sikat kasi ang mga players ng basketball team sa school. Si Ryker pa ang tinaguriang ace player! Malas!
"OH MY GOSH RYKER! ANG GWAPO MO!"
Sinisiksik pa ko nitong grupo ng mga fan girls ni devil! Nakakarindi yung mga tili nila! Ang sarap putulin ng mga dila!
Kinakabahan ako para kay Kyle. Hindi naman ako makalapit, nakatunghaw lang kami mula sa malayo.
Nagtititigan lang yung dalawa at nagpapasahan ng bola. Holy balls!
Third Person's POV
Natanaw ni Ryker na papalapit si Kyle sa kanyang teritoryo. Mula sa komportableng pagkakaupo ay tumayo sya para sindakin ang baguhan.
"Mabuti pa eh umalis ka na."
"Diba dito yung try-outs?" taka namang tanong ni Kyle.
Pinalagutok ni Ryker ang kanyang mga daliri.
"Para sabihin ko sayo? Seryoso ang larong basketball. Hindi kami dito nagpapacute lang."
"Pare, ano bang problema mo?!" angil ni Kyle. Napipikon na rin ito.
Nagkibit-balikat si Ryker. "Alam ko namang nandito ka lang para makiuso, para makiyabang, para makadagdag porma. Hindi namin kailangan ang katulad mo sa team."
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]