Author's Note: Ate Reg! Thank you so much for the very alluring and awesome book cover of MSB! I dedicate this special chapter to you! ;*
__________________________________________________________
Chloe's POV
Hindi pa rin ako makapaniwala. Napalunok ako. "Naghintay ka?"
Hinawakan ni Ryker ng mahigpit yung braso ko. "Bakit ngayon ka lang?! Mahigit apat na oras na kong naghihintay sayo! Akala mo kung sino ka ah! Hindi ko man lang alam yung number mo! Nag-aalala ko kasi baka kung napano ka na!"
Binitawan at iniwanan nya ko. Tuloy-tuloy lang sya paglalakad.
"Ryker! Hintayin mo naman ako!!"
Tiningnan nya ko ng masama. "Hintay na naman?!" Unti-unti nagbago yung expression ng mukha nya. Nginitian ako ni Ryker. Inilihad nito sakin yung kamay nya. "Let's escape reality together?"
Napangiti ako. Sa mga oras na 'to gusto ko muna kalimutan ang lahat. Humawak ako ng mahigpit sa kamay nya "Take me away.."
Lakad lang kami ng lakad ni Ryker sa Magic Kingdom. Buhay na buhay yung gabi sa iba't ibang kulay nung mga booths at rides. May mga gumagalang mascot at may sumasayaw rin don sa may gitna. Ang daming tao. Holy peeps! Sana naman wala kaming makitang kakilala dito.
Tumigil si Ryker sa paglalakad kaya napatigil din ako. Nakatingala sya dun sa mga tao na nagsisigawan sa itaas nung Drop Tower. "Gusto ko don!" Medyo shinake nya yung kamay ko. "Sakay rin tayo, Chloe!"
Ngayon ko lang nakita si Ryker na ganito ka-excited, madalas kasi bored lang sya sa mga bagay-bagay. Pero ngayon? Kumukuti-kutitap yung mga mata at ngiti nya!
"GAME!!!"
Lumusot kami dun sa gate since kulang pa daw ng dalawa yung next batch. Haha! May advantage pala 'pag dalawa kayo kasi halos lahat by group pumupunta dito syempre mga ayaw mahiwa-hiwalay eh madalas di nila naman napupuno yung ride kaya ayun idadagdag o isisingit na lang kami gawa ng kulang pa. Nakakauna tuloy kami sa pila! Hehehe
Hinigpitan ni Ryker yung seatbelt ko. Ibinaba ko yung safety bar. "Ryker, bakit parang ayaw mag-lock?"
Tiningnan rin nito yung kanya. "Maluwag yata talaga para nakakatakot?"
"ANOO??!!" Tumawa lang si Ryker! Ngawa ako ng ngawa habang dahan-dahan kaming itinataas. "Ayoko na.. Ayoko na.. Ayoko na.." Eto namang si Ryker amaze na amaze pa. "Wooo!"
Mga ilang segundo kaming stuck sa tuktok nitong tower. Kitang-kita ko yung buong city at sobrang lamig pa nung hangin. Nagtataasan lahat ng balahibo ko. "OH MY GOD—WHAAAAAAAAAHHH!" Walang anu-ano'y bumulusok kami pababa!
Ni hindi ako nakapagmura sa bilis ng mga pangyayari! Parang naiwan yung kaluluwa ko sa taas!
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]