8 ♥ Intramurals

7.7K 168 20
                                    

Author's Note: Gusto ng mahabang update?? Mapagbigay naman po ako eh! ^o^ 13 pages nga sa MS word itong chapter 8! :p Sana mapagbigay rin kayo sa VOTE at MAHABANG COMMENT! ;]

_________________________________________________________


Chloe's POV


Payapa akong naglalakad sa corridor ng parang biglang dumilim ang paligid nang makita ko kung sino yung nasa tapat ng classroom namin!


Ano namang ginagawa ng dimonyong 'to sa building namin?! Huwag nyang sabihin dito naman sya maghahasik ng lagim! Sumosobra na sya, ganda-ganda ng araw eh!


Hindi ko alam kung matatakot o magagalit ba ko sa kanya. Matapos nung ginawa nya sakin last time! Halos tumalsik ako nung bitawan nya ko! Kapag ako napuno, isusumbong ko na sya kay daddy! Kaso 'pag ginawa ko yun baka magalit sakin si ate Cassie? Hay nako!!


Deadma ka na lang Chloe. Bilisan mo maglakad papasok ng classroom.


"Pst."


Irita ko syang nilingon. "Pwede ba?! Hindi aso para sitsitan mo!"


Nakatingin lang sya ng diretso sakin. Napalunok ako.


"Sorry."


O______O


Napanganga ako.


NAG. SORRY. SI. DEVIL. AGUILAR.


Hindi ko alam kung may magic ba yung 'sorry' nya, pero napangiti talaga ko!


Lumapit ako sa kanya and this time lalong lumapad yung ngiti ko. "Ano nga yung sinabi mo??"


Naningkit yung mga mata nya. "Ayoko ng ulitin." Inilapit nito yung mukha nya sakin. "Hindi ko na kasalanan kung bingi ka."


Iniwanan nya ko duon nakatulala. Hindi pa rin ako makapaniwala. Nag SORRY sakin si Devil Aguilar! LUPIT!! *O*


--


"Besh.."


Pinigil ko yung hikbi ko. Pinilit kong ngumiti.


"Hala! Dali na besh! Punta ka na sa gym!" Tinulak ko paharap si Ella. "GO!"


Nilingon pa nya ko. Puno ng concern yung mga mata nya. "Chloe. Okay ka lang ba?"


Nag thumbs-up ako sa kanya. "Yez! Wait na lang kita sa may gate ah!"


Pagkaalis si Ella bumagsak agad yung labi ko. May meeting yung mga volleyball players sa gym. Wala yung pangalan ko sa list nung mga pasok sa try-outs! T^T

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon