21 ♥ Nerd and Gori's Tale

5.6K 125 10
                                    


Ella's POV


Nakatulala lang ako sa bintana. Wala na nga kong naintindihan sa mga lectures namin buong araw, buti hindi nag quiz kundi betlog ako!


Every 5 minutes yata chinecheck ko yung phone ko. Nagbabakasakali akong may text si Ian pero wala talaga. Mula nung pinagsisigawan ko sya, hindi na nga sya nagparamdam sakin.


Umubob ulit ako sa desk. Kada ipipikit ko yung mata ko, nakikita ko yung mukha ni Ian. Nakakaloko!


Nag-ring yung bell.


"That's all for today! Goodbye class! You are now dismissed!"


Naramdaman kong may humawak sa balikat ko.


"Hala! Bat ka naiyak!!" si Chloe.


Pinunasan ko agad yung pisngi ko. Nag-iwas ako ng tingin. Hindi ako makapagsalita ng maayos. "W-wala na si Ian.."


Napatakip sya ng bibig. "Anong ikinamatay nya?!"


Yung lungkot ko ay biglang napalitan ng pagkasura! Hinampas ko yung bag ko kay Chloe. "Kahit mukhang bangkay yon 'wag mo naman patayin!!"


Para kong sira dito natatawa at naiiyak. Miss na miss ko na si Ian..


Napahinga ako ng malalim.


"Nag-away kami. Pinagsalitaan ko sya ng masasakit. Pagkatapos non 'hindi na sya nagparamdam sakin."


Naupo si Chloe sa tapat ko. "Bakit ba kayo nag-away?"


Binunot ko yung phone ko at pinakita sa kanya yung text.


Pinagtaasan nya ko ng kilay. "So?"


"Anong SO?? SOsungalngalin kita dyan e!!" Ayan na nga yung ebidensya! Nambabae yung boy labo na yun!! Kapal ng mukha!!


Tiningnan ako ni Chloe na para bang nagugulimihanan sya sa sitwasyon. Sumubo pa sya ng lollipop. Kainaman!


"Inaway mo si Ian kasi iniisip mo na niloloko ka lang nya dahil may ka-text syang ibang babae?"


"OO! PLAYBOY YUNG NERD NA YON!"


"Nyahahaha! Si Ian? Playboy?? Oh c'mon mamon!" Natatawang napailing si Chloe. Hinila nya ako palabas ng classroom. "Mag sorry ka na nga kay Ian!"


"T-teka! Bakit ako pa yung magsosorry?! Eh sya nga yung may ibang kalandian dyan!!"


"Grabe naman, besh? Ni wala ngang I love you o kahit mwah mwah tsup tsup yung text ni Ian. Tinanong mo ba kung sino yung katext nya? Kung bakit sila magkatext? Hayaan mo muna syang magpaliwanag. Problema sayo nagalit ka na lang agad eh." Binigyan ako ni Chloe ng nakakalokong ngiti. "Palibasa NAGSESELOS ka kasi gusto mo na rin sya! Indenial ka lang sa feelings mo! Wahaha!"

My Sister's BoyfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon