Chloe's POV
"Mine!"
"Oh!"
"Yon!! Akin!"
"Spike mo!"
May isang oras na rin kaming naglalaro ng volleyball dito sa beach. Syempre teammates kami ni Kyle then sina ate Cassie at Ryker. The weather is so good!
Hindi ko maiwasan mapatingin sa kapatid ko. Ang ganda nya na, ang sexy pa. Hiyang-hiya nga yung suot kong rash guard at cycling sa two piece swimsuit ni ate Cassie.
BOINK!
"Chloe!!"
Aww! Napaupo ako ayy! Sapol sa mukha ko yung bola.
Iniangat ni Kyle yung ulo ko. "O-okay ka lang?" Hinaplos nya yung parteng tinamaan. "Masakit ba?"
"Oo naman! Malayo naman 'to sa bituka no!"
"Baby sis!! Are you alright?" Tinuro ni ate yung medyo makirot na part ng face ko. "I think we should put some ice there!! Para hindi mamaga!"
"Hindi na ate.. Ayos lang--"
"Ang lampa mo naman." Naningkit yung mga mata ko kay Ryker. "Ganyan ka ba lagi kahina?" He gave me a bored look. "Konting sakit lang.. Konting mahirapan ka lang.. Susuko ka na kagad?"
EH GAGO PALA TONG DIMONYONG 'TO EH! So anong pinapalabas nya?! Ipulupot ko kaya yung net sa leeg nya!
"Kasalan mo rin naman eh!" Nagulat ako sa pagtataas ng boses ni Kyle. "Alam mo namang babae si Chloe.. Sana hindi mo tinodo!"
"Anong gusto mo? Lamyaan ko ang laro?!"
Nakikita ko na ang namumuong dark clouds sa pagitan nila. Sasagot pa sana si Kyle ng hawakan kong yung braso nya.
"Hayaan mo na. Okay lang naman ako." bulong ko.
Nginitian ako ni Kyle tapos ginulo nya yung buhok ko. Nabigla naman ako ng i-kiss nya yung bukol ko! Namula tuloy ako.
"Hayaan mo.. Next time practice tayo ng volleyball. Isama rin natin si Ella. Okay?" Kinindatan nya ko.
Napahinga ako ng malalim habang nakangiti kay Kyle. Kung may matatawag na Perfect Boyfriend, si Kyle Palma na yun! With him it's always sunny and full of rainbows, no stormy days.
"Baby loves!! Where are you going??"
Bigla na lang naglakad palayo samin si Ryker the Devil. "Nawalan na ko ng gana!"
Hinabol naman sya ni ate Cassie. "Baby loves! Wait for me!!!"
BINABASA MO ANG
My Sister's Boyfriend
Teen FictionChloe and Cassie are sisters by blood but rivals by heart. For the reason of ONE GUY---Ryker. How far can they go for LOVE??? [COMPLETED]