Chapter 20*
Albert's Pov
" Oh anak, miss na miss na miss na miss na kita! " Sabi ni Mama. She hugged me so tight. So as dad.
" Where's Jannine? " Tanong ni papa sa akin.
" Ummm, may date sila ni Felix... " Sabi ko sa kanila. They already know about Jannine and Felix. They were okay about it, they are always updated about the situation namin ni Jannine because I always share it to them. I never hide anything from my parents except from having a feelings towards Jannine.
" I see, your mom and I will stay here for a week because you my son, we have a lot of discussion to do " Sabi ng papa ko. Yes, marami kaming dapat pag usapan lalo na tungkol sa amin ni Jannine.
" So ngayon na ba natin yan pag uusapan pa? " Tanong ko sa kanya.
" No, not yet. Pagod pa kami ng mom mo sa biyahe kaya mag papahinga muna kami sa kwarto " Sabi niya. Tinulungan ko siyang dalhin ang gamit sa kwarto nilang dalawa. Anyway, hindi naman to ordinaryong bahay. My dad decided to make this house a mansion. Katatapos lang, last week.
- Hindi pa nag sisimula ang discussion namin marami na akong gustong itanong sa kanila.
Mag kapatid ba talaga kami ni Jannine?
Sino ang ampon sa amin?
Bakit alam to ni Felix?
Pwede ko bang mahalin si Jannine?
- Aish, Di na kasali ang last question. Hindi ko talaga kinayang magmahal ng iba lalo na't kasama ko lagi ang babaeng mahal na mahal ko talaga. Ahhhhhggg!!!!! Nalilito na ako. Gusto ko na simulan ang pag uusapan namin ni papa.
------------------------------------------------------
Felix's Pov
- Kasama ko ang babaeng mahal ko. Kahit nasasaktan ako araw araw di lang dahil sa sakit ko lalo na rin ang puso ko. Hindi ko kayang iwan siya at mapunta siya sa iba. Pero wala na akong magagawa nandito na eh, ilang beses man ako i chemotherapy simula pagka bata ko, hindi na talaga magagamot ang sakit ko. I guess, it is in my blood. My grandpa died because of this kind of illness too at ako ang nagmana sa sakit na yun. It is very hard for me to accept the fact na mamamatay na ako after 6 months. Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makasama ang mga magulang ko, makasama ang best friend ko at lalo na ang babaeng pinakamamahal ko.
" Baby ko, is something bothering you? " Tanong ni Jannine sa akin.
- Nasa park kami ngayon, kumakain habang tinitingnan ang mga batang nag lalaro.
" No, nothing is bothering me at all baby " Sabi ko sa kanya at niyakap.
" Sana, ganyan din magiging mga anak natin baby ko " Tiningnan ko ang mga bata na nag lalaro.
- Sana Jannine. Sana..... Sana ako yung lalaking mag hihintay sayo sa altar. Sana ako yung magiging ama ng mga anak mo. Pero , hindi eh... Alam kong hindi na pwede.
- Lalake man ako pero di ko mapigilang umiyak.
" Baby ko? Ba't ka umiiyak? May nasabi ba akong mali? Sorry baby ko. " She wiped my tears.
" Hindi, hindi. Masaya lang ako, kasi alam ko kung gaano kasaya ang mag karoon ng anak sa babaeng mahal ko and I'm sure you're going to be a great mother baby " I hugged her so tight.
" sus, yun lang pala. Akala ko kung ano na ang nasabi ko haha. Pinag alala mo ako baby ko ha " She hugged me back.
- Ayaw kong humiwalay sa yakap namin. Kahit kailan... pero magiging masama akong tao kapag isasama ko siya sa libing ko hahahahaha. Joke.
- Itong babaeng to, besides from me alam kong may nag mamahal din sa kanya ng lubos lubusan kaya kapag mawawala na ako. Di ko na kailangang multuhin ang kung sino man ang lalakeng manligaw sa kanya. It is only me and Albert who is allowed to take care of her.
------------------------------------------------------
Albert's Pov
- Nag luto ako para sa dinner namin. Tulog pa sina mama at papa but I'm sure kapag naamoy nila ang niluto ko para yung mga owl. Hahahahaha.
- Narinig kong bumukas ang pinto sa sala at papuntang kusina ang taong yun.
" I knew it!! It brings me home kapag naamoy ko talaga luto mo kuya! " Si Jannine lang pala.
" ang takaw mo talaga. Kakadate niyo lang ni Felix and I'm sure wala kayong ginawa kundi kumain. Hindi ka talaga na-awa sa boyfriend mo, ubos na ang pera " I teased her.
" Shut up kuya. Kahit ang takaw ko, sexy ako ! " Boom, it made me speechless nang bigla siyang rumampa papunta sa harapan ko. Damn, my body became so hot lalo na't nakasuot lang siya ng shorts at V-neck shirt. I can see her legs so clearly and yung cleavage niya. Damn it!!!! Umiinit na ang buong katawan ko.
" Oh? Anong nangyari sayo? " Nagulat ako nang biglang tinanong ako ni Jannine.
- sh*t. Imagination ko lang pala yun. Ang manyak ko talaga!!! Oo, inaamin ko, kahit lalake ako at normal lang ang ganitong pakiramdam.
" Ha..... ha....? Wa ... wala ! " Sabi ko sa kanya habang nilalagay ko ang ulam sa pinggan.
" why are you sweating? Parang naka kita ka ng multo "
- Hindi multo Jannine! Kundi diyosa ang nakita ko. Gusto ko sanang sabihin yun. Pero baka mababaliw siya.
" Wala, ang init ng ulam "
" kung sabagay "
" would you look at that, such a perfect thing to see " Tumingin kaming dalawa ni Jannine sa harapan.
" Ma?? Pa ?? " Tanong ni Jannine.
" Hi sweetheart, na miss kita " Yumakap si mama at papa kay Jannine. Si Jannine naman parang batang hindi maipaliwanag ang excitement dahil nandito sila.
" kailan lang kayo dumating? " tanong ni Jannine.
" Kaninang umaga lang. " Sabi ni papa.
" It is such a great thing to see you mom, dad! " Sabi ni Jannine.
" It is, na miss ko kayong dalawa ng kuya mo " Hinihimas himas ni mama ang buhok ni Jannine.
" We miss you too mom " Sabi ko sa kanya.
" Nagising talaga kami ng mom mo dahil sa luto mo " Sabi ni papa sa akin.
" well, alam ko na yan pa. Haha "
- Umupo na silang tatlo at insakto namang natapos narin ang paghahanda ko sa hapag kainan. Gulay lang ang niluto ko ngayon para healthy at pinoy style. I know how my parents miss this. Habang kumakain kami panay ang tanong ni Jannine kina mama at papa , panay rin ang tawanan at kwentuhan. Hanggang sa umabot ang usapan sa arrange marriage na tanong.
" Jannine, anak, what if may ka arrange marriage ka. Papayag ka ba? " Tanong ni dad.
" Ano???? Hindi no!!! Mahal ko si Felix at hindi ko siya ipagpapalit " Sabi ni Jannine.
" I see, haha, tanong lang yun anak "
- Pagka tapos naming kumain. Pumunta na si Jannine sa kwarto niya para magpa hinga kasi pagod na siya sa date nila ni Felix.
" Anak, it's time for us to talk " Sabi ni papa sa akin.
- Damn, im nervous.........
BINABASA MO ANG
My Brother Is My Fiance
RomanceAng hirap namang intindihin ang pagibig . . . lalo na't pa bigla-bigla nalang darating. Pero masarap magmahal sa taong mahal ka rin lalo na at yung taong yun ay ang lalakeng nandiyan sa tabi mo matagal na. pero paano kung kapatid mo siya?